***Niva POV*** UNANG subo ng tortang talong na sinawsaw ko sa baon kong ketchup ay sarap na sarap ako. Ulam ko dapat ito kaninang umaga. Pero dahil nagmamadali ako ay hindi na ako nakakain kaya pinabaon na lang sa akin ni Ante Val. Matagal na rin kasi akong hindi nakakain nito at sobrang namiss ko. Bukod sa tortang talong ay may syarsadong dalagang bukid din na luto din ni Ante Val. Ininit ko lang yun sa microwave. Masarap ang pananghalian ko at nakatipid pa ako. Medyo pricey kasi ang pagkain sa cafeteria kahit afford ko naman. "Hmm sarap talagang magluto ni Ante Val ng torta at syarsadong isda." Sambit ko sabay subong muli ng kanin at ulam. Ngunit napahinto ako sa pagnguya nang bumukas ang pinto ng opisina ni Marcus at lumabas sya bitbit ang mga pagkain nya. Ngumiti sya at lumapit sa

