***Niva POV*** "WOW! I'm so pretty na po, Mommy Niva." Bulalas ni Daisy nang makita ang sarili sa salamin. Bakas sa kanyang mukha ang tuwa. Inipitan ko kasi sya ng buhok at nagustuhan nya pati na ang mga ipit na ginamit ko. Binili ko pa ang mga yun online para talaga sa kanya. "You are always pretty, Daisy. Lagi mong tatandaan yan." Sabi ko. Humarap sya sa akin at lumapit. "Thank you po, Mommy Niva. Ganito pong ipet ang gusto ko eh. Hindi po kasi marunong ng ganitong ipet si Yaya Belen." "Okay, kapag magkikita tayo lagi kitang iipitan ng ganyan. Iba't ibang style naman." Sambit ko. "Yehey! Gusto ko po yung pa-heart naman saka butterfly!" Request pa nya. "Sure. O-order pa ako sa online ng iba't ibang klaseng ipit." Pati ako ay natutuwa na nagustuhan nya ang ginawa ko sa kanya

