***Niva POV*** "I'M SURE itong si Niva ay may alam." Nag angat ako ng tingin sa dalawang kaibigan na kasabay kong mag snack dito sa cafeteria. Nakatingin silang parehas sa akin. "Oo nga. Chika mo naman beh." Untag sa akin ni Cristy. Tumaas ang kilay ko. "Ang alin ba?" Natatawang painosente kong tanong. Pero may ideya na ako kung ano ang gusto nilang malaman. "Eh di yung tungkol kay Sir Marcus at kay Ma'am Claudia." Pabulong na turan ni Aya. "Anong tungkol sa kanila?" Painosente ko ulit na tanong. Tumaas na ang kilay ng dalawa kong kaibigan. "Don't tell me hindi mo alam ang kumakalat na tsismis?" Saad ni Cristy. Ngumisi ako. "Ang dami kayang kumakalat na tsismis. Linawin nyo kasi." Nagpalinga linga muna sa paligid si Aya bago bumaling sa akin. "May kumakalat na tsismis na

