***Marcus POV*** "SYA ho si Edgar Ramirez o mas kilalang Axel Ramirez. Beinte nuebe anyos. Isang modelo. Sya ho ang tinuturo ni Mr. Roberto na nagbenta sa kanya nung sasakyan ng tauhan nyo." Dinampot ko ang picture at tinitigan yun. Kilala ko ang lalaki sa picture. Ang isa sa mga boy toy ni Claudia. Tumiim bagang ako. Hindi ko nagugustuhan ang tumatakbo sa isip ko. Bumaling ako sa inspector. "Ibig nyo ho bang sabihin inspector, sya ang suspek sa pagpatay sa tauhan ko?" "Sa ngayon, sya ang suspek. Kaya naman pinaghahanap na namin sya para hingan ng salaysay. Pero mukhang nagtatago na sya ngayon dahil hindi namin sya mahagilap. At isa pa sa nalaman namin ay isa sya sa modelo ng asawa nyo, Mr. Romero." "Yes inspector. Nakikita ko rin ang lalaking yan na isa sa modelo ng asawa ko. P

