***Marcus POV*** PASULYAP sulyap ako kay Niva habang kausap ko ang dalawang engineer at mga foreman. Kumukuha sya ng mga pictures sa paligid ng building na hindi pa tapos. Gaya ko ay pasulyap sulyap din sa kanya ang mga construction worker. May paghanga sa kanilang mga mata. Ang iba pa nga ay parang mga gutom kung makatingin sa kanya. At nagsisimula na rin akong mainis. Sino ba naman kasing lalaki ang hindi sya lilingunin. Kung ako nga ay halos ayokong ialis ang tingin sa kanya. Ngunit parang gusto kong magalit sa suot nya. Simpleng puting damit lang naman at pantalon ang kanyang suot ngunit hakab na hakab ang magandang hubog ng kanyang katawan. Lalo na ang kanyang malusog na dibdib na bahagya pang sumusilip ang maputing ibabaw nito. Ang kanyang maliit na bewang, makurbang balakang at b

