***Third POV*** "KAMUSTA, par? Long time no see." Nakangising bati ng lalaking tadtad ng tattoo sa katawan kay Axel. Nag fist bump silang dalawa at nagtapikan sa balikat. Binaba ni Axel ang suot na face mask at ngumisi. Nagpalinga linga pa sya sa paligid na parang sinisigurong walang makakakilala sa kanya. "Doon tayo, par." Yaya ni Axel sa kaibigan sa likod ng lumang abandonadong establisyimento. Sabay silang pumasok sa makipot na eskinita. "Hanggang kelan ka ba magtatago, par? Miss ka ng ka-session ng tropa." Tanong ni Julius kay Axel. "Tss! Hindi ko alam kay Claudia. Nabuburyong na nga ako sa kakatago eh. Inip na inip na ako." "Bakit kasi hindi mo na lang ilaglag yang si Claudia. Sya naman ang tumira doon sa tauhan ng asawa nya di ba?" "Gago. Kapag nilaglag ko sya damay ako."

