***Niva POV*** BUMUNTONG hininga ako at diretsong tumingin sa mga mata ng dalawang kaibigan. "Yes, it's true. May relasyon kami ni Sir Marcus." Halos sabay silang suminghap na dalawa. "Pero sana, huwag nyo kong husgahan. I fell in love with Sir Marcus. Hindi ko naman sinasadya eh. Basta ko na lang yun naramdaman. Pero pinigilan ko naman ang sarili ko dahil may asawa na sya. Sinubukan kong ignorahin ang nararamdaman ko sa kanya pero lalo lang yung lumalim. Until one day, Marcus confessed to me. Gusto rin nya ako." Napabuntong hininga na rin silang dalawa at muling nagtinginan. "Pero Niva, mali pa rin na pumatol ka kay Sir Marcus. May asawa pa rin sya kahit bruha ang asawa nya." Ani Aya sa mahinang boses. "I know Aya. Maraming beses kong pinag isipan yan." "Pero pinatulan mo p

