***Niva POV*** "AY jusmiyo ka, Tinyo. Hindi ganyan ang tamang pagpapabaga ng uling. Aba'y aabutin tayo ng pananghalian hindi pa tayo nakakapagpa-baga nyan." Sermon ni Ante Val kay Kuya Tinyo at inagaw ang lighter sa kamay nito. Napakamot naman sa ulo si Kuya Tinyo. "Pasensya na. Hindi naman kasi ako sanay magpabaga ng uling." "Kaya naman pala. O sya, ako na ang bahala dito. Expert ako sa pagpapabaga ng uling." Natatawa na lang ako habang pinapanood si Ante Val at Kuya Tinyo. Para kasing bata si Kuya Tinyo na pinagsasabihan ni Ante Val. Sunday ngayon at mag gi-grill party kami dito sa mansion nila Marcus. Parang family bonding na rin namin ito. Habang si Ante Val at Kuya Tinyo ay nagpapabaga na, kami naman ni Nanay Fely at Manang Bising ay abala sa pagtutuhog ng mga iihawin. Nakasa

