***Claudia POV*** "WHAT? Sinabi yun sayo ni Marcus?" "Oo." Matabang na sabi ko at pabagsak na umupo sa couch sabay de kwatro. Kinuha ko ang kopitang may lamang alak na inabot ni Jessie. Tinungga ko ang laman nun hanggang mangalahati. Maaga akong umalis sa bahay at hindi ko na hinatid si Daisy sa school. Hindi na rin ako sumabay sa almusal at dumiretso na ako dito sa bahay ni Jessie para maglabas ng sama ng loob. Bahala ng magalit si Marcus tutal ang sabi naman nya ay wala na syang pakialam kung ano ang gawin ko. "Eh kung ganun naman pala, eh di gawin mo na lang ang sinabi nya. Manlalaki ka. Tutal wala naman pala syang pakialam. Malay mo, mag iba ang ihip ng hangin. Kapag nakita nyang may iba kang lalaking kasama baka magselos sya." Nakangising wika ni Jessie at prenteng umupo ng couc

