***Claudia POV*** INIWAN na kami ng pinsan ni Manang Fely ng may tumawag sa kanya sa likod ng bahay. Kaya naiwan na lang kami ng matanda na hindi agad nakapagsalita. Halatang nabigla na makita ako. "Kamusta na Manang Fely?" Ulit ko sa tanong. Lumunok sya at pilit na ngumiti. "M-Ma'am Claudia.. naparito po kayo. A-Ano pong sadya nyo?" Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Halata sa kanyang mukha na tensyonado sya na parang may tinatago at takot na malaman ko. "Hindi nyo pa sinasagot ang tanong ko, manang. Ang tanong ko ay kamusta na kayo." "M-Maayos naman po ako ma'am.." Tumaas ang kilay ko. "Nakikita ko nga, manang. Anyway, pwede bang pumasok sa loob ng bahay nyo at makikiinom na rin ng tubig. Malayo layo kasi ang naging byahe ko ay napagod ako. Isa pa ay, mahaba haba ang pag uusap

