Winter’s point of view Napasarap ang usapan naming dalawa ni Gabriel sa sala, at tila napansin ko na unti-unti na siyang tinatamaan ng alak. “Gab? Are you okay? Kaya mo pa ba?” tanong ko naman sa kaniya, at tumango naman siya kaagad sa akin at patuloy na tumatawa. Nang akin siyang lapitan, ay bigla akong natisod dahil rin sa kahinaan ng katawan na tumayo. At biglang napabagsak sa kaniyang harapan. “Are you okay?” tanong naman niya sa akin nang siya ay magulat din sa aking pag-kakabagsak. Hindi ko maiwasan na titigan ang kaniyang Magandang labi, at doon ay agad ko itong hinalikan. At dahan-dahan niya akong inilayo, “W-why?” tanong ko naman sa kaniya, at dahan-dahan siyang umiling. “Baka may makakita sa atin—nasa sala tayo,” tugon niya sa akin. Agad naman akong napangisi nang kan

