Laking gulat ko nang makita si Sarah na nakabangga ng isang magarang babae, nakasuot ito ng Magandang dress at ganoon din ang sapatos. At agad naman akong tumakbo papalapit dito at itinayo kaagad si Sarah. “Sarah? Okay ka lang ba?” tanong ko sa kaniya, nang agad naman akong napatingin sa babae. “Ahm—sorry po madam, hindi naman po sinasadya ng bata,” pahayag ko naman dito. “Oh—you must be the yaya of this kid, kahit kailan talaga napakalikot talaga ng batang yan,” ani naman nito. Napangisi naman ako nang sabihin niya ito ngunit hindi ko na pinatulan dahil ayaw ko ng gulo. “Sorry po ulit,” pahayag ko sa kaniya “What’s your name?” tanong naman niya sa akin, “Ahm—Chase po,” tugon ko naman sa kaniya, “Nice to meet you, I’m Winter. I’m sure naman kilala mo na ako,” pahayag naman niya

