Chapter 1

1149 Words
“Good Morning Emily!” Masaya kong pag-bati kay Emily nang makita ko siya na nag-lalakad sa hallway ng company at nagulat naman siya nang makita niya ako. “Bakit ngayon ka lang? hindi ba at kanina pa kita tinatawagan?” pabulong niyang pag-kakasabi Nagulat naman ako nang sabihin niya iyon sa akin na tila may kinakatakutan siya, “A-ano bang meron? Bakit ba ganiyan ka makapag-salita sa akin?” tanong ko Agad niya akong hinawakan sa aking braso, “Ano bang tanong yan? Kanina ka pang hinahanap ni madam! Naihanda mo na ba ang presentation mo na pinapagawa niya sayo kahapon?” Nagulat akong muli nang banggitin niya ito sa akin at napahawak nalang ako sa akin noo “Oh my Gooood! Bakit hindi mo pinaalala sa akin! Hindi ko pa nasisimulan,” tugon ko sa kaniya “Ano bay an Chase, saan ka ba kasi galing kagabi? Pinaupo lang kita tapos nawala ka na,” saad niyang muli Napahinga naman ako ng malalim at nang mag-sasalita na ako ay biglang lumabas si Mrs. Gonzales at nang makita niya ako ay galit itong nakatingin sa akin, “Chase? Saan ka ba galing ha? Why are you late? Nasaan na ang presentation na pinapagawa ko sayo kahapon?” tanong niya kaagad sa akin nang ako ay kaniyang nilapitan Tila hindi ako makaimik sa kaniya at nauutal, “Mrs—s-sorry po pero” putol kong pagkakasabi nang agad itong umimik, “Don’t tell me nakalimutan mo na naman? Ano ba Chase?! Yun nalang ang pinapagawa ko sayo, ang simple-simple hindi mo pa magawa ng tama!” “Madam sorry po, sobrang—” ani ko “No—stop that non-sense Chase. Wag ka ng mag-explain lalo na at wala ka naman ng magagawa. But tatandaan mo ito, I’m giving you chance na matapos ang presentation na yan na kailangan nating maipakita sa investors. Ipasa mo kaagad sa akin bukas kung hindi, mapapatalsik kita dito sa kompanya ko. Do you understand that?” pahayag niya sa akin Maiyak-iyak ako nang sabihin niya iyon, “Y-yes ma’am, I’m sorry po” tugon ko naman At agad na siyang umalis sa harap ko. nang umimik naman agad si Emily “Rinig mo yun Chase? Gawin mo na mamaya at wag ka na muna kung saan-saan pumunta,” Dahan-dahan naman akong tumango sa kaniya at sabay na kaming tumungo sa office. Nang pag-pasok ko ay napansin kong pinag-mamasdan ako nang ibang mga ka-officemates namin at nang makaupo ako ay tila hindi ko alam ang nararamdaman ko. “Ano ba naman itong pinasok mo Chaseee—” pabulong ko sa aking sarili Nang biglang napansin ko na may anino, at dahan-dahan akong napatunghay. Nakita ko na naman ang pag-mumukha ni Daniel, “Oh? Anong iningi-ngiti mo diyan? Nang-iinsulto ka ba?” “Chill Chase—masama bang tumingin sayo at ngumiti? wala pa akong sinasabi, ang init-init na ng ulo mo.” tugon naman niya sa akin “Alam mo kung wala kang maayos na sasabihin diyan umalis ka na lang sa harapan ko okay? hindi ka nakakatulong,” saad ko muli “Kung saan-saan kasi pumupunta, wala pa palang presenation” pag-paparinig niya at agad naman akong tumayo at hinila ko ang buhok sa kaniyang ulo “Ahh! Ahhh! Bitawan mo ako Chase! Ano ba?!” pahayag niya sa akin “Ayaw mong tumigil ganiyan ang mangyayari sayo araw-araw sa akin okay?” saad kong muli. Nang bigla kaming napaupo nang marinig namin ang boses ni Mrs. Gonzales na tila may mga kasama at pumasok rin sila sa loob ng office. Napanganga naman kami ng may mapansin kami sa grupo na isang lalaki na may itsura at maayos ang postura. At nang makaalis ay agad akong nilapitan ni Emily at siniko “Nakita mo yun sis?” tanong niya kaagad sa akin “Oo, s-sino kaya yun no? he’s so handsome, laglag na naman mga panty natin neto” tugon ko sa kaniya Natawa naman siya nang sinabi ko iyon sa kaniya, “Gaga! Kahit gaano pa ka-gwapo yan, hindi ko ipag-papalit ang lalaking nakilala ko kagabi,” ani ni Emily Nagulat naman ako nang sinabi niya ito, “May nakilala kang lalaki?” tanong ko naman kaagad sa kaniya Tumango naman siya, “Ofcourse! Wala ka bang tiwala sa gandang mukha na ito?” “Bakit hindi ko iyon alam?” saad ko naman “Paano mo malalaman? Pagtingin ko sa pwesto natin wala ka na, at tsaka hinahanap kita kagabi hindi na talaga kita makita. Nakuha ka ba ng ibang lalaki?” tanong naman niya sa akin, Napataas balikat naman ako, “Paggising ko, nasa kwarto ako ng kung sino.” Tugon ko naman sa kaniya Nagulat naman siya sa akin, “Sis! Nasa wisyo ka ba kagabi? Don’t tell me na-rape ka na or something?” Napailing ako,” I don’t think na-rape kasi mukhang nasa wisyo pa ako ng very light,” tugon ko “s**t! Don’t tell me hindi ka na V?” Nagulat din ako sa sinabi niya, “Omg—ngayon ko lang naalala yan,” saad ko Agad niyang hinawakan ang aking kamay, “Sis, I want to congratulate you dahil nakapasa ka, gumamit ba kayo?” tanong niya muli Dahan-dahan akong tumango, “Oo? Kasi sa pag-kakatanda ko, sinabihan ko siya—posible bang mabuntis kahit gumamit ng condom?” tanong ko pabalik Napataas balikat naman siya, “I don’t know? Siguro kung butas?” Natawa naman ako nang sabihin niya ito, nang biglang umimik si Mrs. Gonzales na nasa pintuan. “Miss Emily? What are you doing? Hindi ba may ipinagagawa ako sayo kanina? Anong ginagawa mo diyan kay Chase?” tanong niya rito “I’m sorry madam, may ipinapasa lang po akong files para sa presentation, ipapasa ko rin po agad sa inyo,” tugon naman niya “Good, kailangan natin yan later kaya dapat ipasa mo. alam mo naman kung gaano ka-rush nitong project natin,” saad niya Tumago naman si Emily at umalis na si Mrs. Gonzales. “Ano bang meron ngayon kay madam at napakasungit niya?” tanong ko naman “Kung ginawa mo ang presentation at pumasok ka ng maaga, hindi yan magiging ganiyan. Alam mo ba na dapat ngayon ipapalabas ang presentation na yan,” tugon niya Napahinga naman ako ng malalim, “Okay—okay! wag mo na ituloy, mas nakokonsensya ako. Hindi ko alam kung tama bang nag-bar pa tayo or what,” “Inom pa po!” pag-paparinig muli sa akin ni Daniel na nasa kabilang table, Agad ko siyang muling tingnan ng masama dahil sobrang nakakainsulto na siya. Muli akong bumalik sa aking trabaho ngunit hindi rin mawala sa isip ko kung sino o ano ang itsura ng lalaking nakasama ko kagabi sa kama dahil hindi ito nag-pakilala sa akin ng maayos bago mangyari o matapos ang lahat na nangyari sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD