Gabriel’s point of view Habang nag-lilibot na kami sa mall ay agad namang nakita ni Sarah ang paboritong parte ng mall, at ito ang Toy Kingdom kung saan maraming mga laruang pambata. Agad nitong hinila ang kaniyang yaya na si Chase. At nang tumingin naman ito sa akin ay sumangayon ako na samahan na ito, “Go lang, sabihan niyo nalang ako kapag nakapili na siya para mabayaran ko,” pahayag ko sa kaniya Doon ay sinamahan na nito ang bata habang ako naman ay nakaupo lang sa tapat. Habang ako ay nag-cecellphone at umiinom ng kape upang tingnan ang mga kailangan kong trabahuhin sa opisina at mga schedules sa meeting ay bigla akong may narinig na pag-tawag. “Gab!” agad naman akong napalingon, at laking gulat ko nang makita si Mrs. Saavedra ang nanay ni Winter. Tumayo naman ako kaagad at nag

