Nakauwi na kami ni Emily, ngunit pag-dating ko ay hindi parin maayos ang lagay ko. nang biglang may kumatok sa pintuan, at binuksan ito. Bumungad sa akin si Emily, “Chase? I’m sorry ulit ah?” pahayag niya sa akin, Tumango naman ako sa kaniya, “Okay lang—hayaan mo na, nakalipas na,” tugon ko naman sa kaniya Nang biglang nag-ring ang cellphone niya, “Saglit lang may natawag—” ani niya At doon ay lumabas siya at iniwan niyang bukas ang pintuan. Nang tatayo ako ay laking gulat ko ng marinig kong tila nasigaw at galit si Emily. Ilang minuto na ang lumipas, at pilit ko paring pinapakinggan ang kanilang pinag-uusapan nang biglang lumabas ito sa kaniyang pintuan habang nasa tenga niya ang kaniyang cellphone. “Oh? Kanina ka pa ba nakikinig?” tanong namna niya sa akin, Dahan-dahan naman akong

