Gabriel’s point of view Nakatapos na ako makapag-ayos ng aking sarili, kaya’t agad naman na akong lumabas ng aking kwarto. “Chase? Ready na ba si Sarah? Is she done na?” tanong ko naman ng malakas dahil mukhang nasa loob pa sila ng kwarto. Nang agad naman ng bumukas ang pintuan, at lumabas si Chase, kasunod naman si Sarah. Laking gulat ko nang makita ang suot ni Sarah, kaya’t agad naman akong lumapit sa kaniya. “I thought ayaw mo niyan?” tanong ko naman sa kaniya habang hawak-hawak ang kaniyang kamay. At umiling naman siya sa akin. “Ahm—Sir? May problema po ba? Hindi niya po ba pwedeng suutin ang damit na yan? Papaltan nalang po?” tanong naman sa akin ni Chase, nang agad ko siyang pinigilan. “No—no need Chase, you don’t have any idea kung gaano niya kaayaw ‘yang dress na yan and ri

