Chase’s point of view Nakarating na kami sa bahay ni Sir Gabriel, at doon ay sinubukan ko siyang kausapin nang dumeretso kaagad si Sarah sa kaniyang kwarto. “Ahm—Sir, about po sa kanina—” putol kong pag-kakasabi, nang agad naman niya akong pinigilan. “Not right now Chase—sundan mo nalang muna si Sarah, ako na ang bahala sa nangyari sa kanina. I hope this won’t happen again,” Tumango nalang ako sa kaniya, at doon ay hindi na muli ginambala. “Una na po ako, pasensya po ulit,” Tumaas na ako sa kwarto ni Sarah upang asikasuhin na siya. Pag-pasok ko sa kwarto ay agad niyang iniabot sa akin ang kaniyang damit pang-tulog habang nakangiti sa akin “Ikaw na naman ang pumili ng damit mo ah, never mo raw ginawa ito sa dati mong yaya—ikaw ha, may favoritism ka,” pahayag ko sa kaniya, Nanatili

