Brianna Lyn Del Fiero “Congrats, Mr. and Mrs. Del Fiero,” Napalingon ako sa lumapit sa amin ni Lucio. Si Alex ‘yon na kaibigan ni Lucio. Ang sarap sa tainga. Mrs. Del Fiero. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko na ang lalaking sa simula pa lang ay nagpatibok na ng puso ko. “Alex, I’m glad nakaabot ka.” Masayang bati ni Lucio sa kaibigan na sandaling humiwalay sa akin. Katabi ko si Lucio dito sa mahabang table kung saan kami nakaupo kasama ang family namin. Kahit ilang sandali ay hindi niya ako iniwan. Parang ayaw niya akong mawala ng kahit segundo sa paningin niya. “Of course, hindi pwedeng wala ako sa celebration ng kasal mo. Ginulat mo ako, bro… Akala ko tatanda ka nang binata. Mabuti at nakahabol ka pa sa byahe.” Pang-aasar ni Alex na tinapik si Lucio sa

