Bing Fernandez Naramdaman yata ni Sir Lucio ang pagbaling ng tingin ko sa kanya. Napalingon siya sa akin at agad na nagtama ang mata namin. Tila na-realize ni Sir ang sinabi niya. Bigla akong nag-iwas ng tingin. “Lucio!” Biglang agaw atensyon ni Ma’am Aubrey “About sa Bikini Open next month” Bigla naman na pag change topic nito. Siguro ay naramdaman din ni Ma’am Aubrey ang reaction ko kaya iniba na nito ang usapan para hindi masyadong awkward sa part ko. Kaso wala na. Narinig ko na. Na-offend na ako. “U-uhm… y-yes, Mom… Everything is well.” Sambit ni Sir Lucio na mula sa gilid ng mata ko at alam kong kay Ma’am Aubrey na nakatingin. Kumuha na lang ako ng niluto kong menudo at kunwari ay hindi nakikinig sa kanila. Parang wala na tuloy akong gana na kumain. Medyo busog pa nga ako dah

