Bing Fernandez “Sir!” Bulalas ko. Buti na lang ay nakakilos pa ako dahil sa paglalapit namin ni Sir Lucio. Agad akong umatras papalayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Ngayon ay at least na hindi na didikit ang katawan ko sa lalaki. “I’m sorry… Baka mangawit ka kasi.” Paliwanag ni Sir Lucio na nagulat din yata sa reaction ko. “Ah… Hindi naman po, Sir. Sandali lang naman po ito.” sagot ko na hindi matigil ang kabog sa dibdib. Parang may kabayo na naghahabulan sa loob no’n. Hindi naman na kumibo pa si Sir Lucio nang sinimulan kong dampian ng basang bulak ang parte ng pasa nito. May space na nga sa pagitan namin pero parang magkadikit pa rin ang katawan namin dahil pakiramdam ko ay dumikit na sa akin ang balat nito. Doon ako nag-focus ng tingin sa gilid ng labi ni Sir Lucio dahil alam kong

