3- Seeking for Help

1808 Words
ISANG umaga habang naghahanda si Khiara papuntang palengke, bumangon naman si Lawrence para ipagtimpla ito ng kape. Nang bigla na lang nabitawan ni Lawrence ang hawak nitong tasa. Nagulat naman si Khiara ng mapansin niyang tila namumutla ang kanyang kapatid. "Ading ok ka lang?" kunot-noong tanong niya sa kapatid. "Ayos lang ako ate, nagulat ba kita?" ramdam ni Khiara na may kakaiba sa kapatid niya. "May sakit kaba ading?" kasabay ng paglapat nito sa kanyang palad sa noo ng kapatid. Dinama niya iyon pero hindi naman ito mainit. "Hindi ka naman mainit, pero namumutla ka ading ko? Teka, may masakit ba sayo?" tanong niyang muli, huminga naman ito ng malalim ng mapansin ni Khiara na tila iba rin ang paghinga ng kapatid. "Wala ito ate, napuyat lang ako kasi late na ako nakatulog alam mo na nagreview pa kasi ako kagabi, finals na namin ngayon ate." wika naman nito sa kapatid, tumango naman si Khiara. "Ah siguro nga! Sige na matulog kana ulit para makabawi ka. Para naman hindi lutang ang isip mo mamaya sa exam." tumango naman ito at nagpatuloy sa paglalakad patungong kwarto. "Matulog kana ah, ako nang bahala magsara ng pinto." "Opo ate, sige na. Ingat ka!" pahabol pa nitong sabi. Nilisan nga ni Khiara ang kanilang bahay, kakaiba ang pakiramdam niya. Hindi niya mawari pero bigla siyang kinabahan. "Ayos ka lang ba Khiara? Kanina kapa hindi mapakali diyan!" pukaw sa kanya ni aling Lourdes. "Ahm wala po ito Aling Lourdes, pasensya na po! Dala lang po siguro ng pagod ko ito kagabi." "Naku ikaw bata ka, magpahinga karin. Aba, kung ang kalabaw nga napapagod tayo pa kayang mga tao?" "Kailangan po eh, alam niyo na malapit na po ang graduation namin kailangan kong dumoble ang kayod dahil malaki-laki po ang kailangan ko ganoon din si Lawrence." pagpapaliwanag naman niya sa matanda. "Ay sus, oo nga pala Khiara magtatapos kana! Tingnan mo nga naman, ilang taon kanang nagtatrabaho sa akin? Ngayon magtatapos kana sa pag-aaral, naku nakaraos karin neneng ko." masayang sambit ng matanda. Sumapit ang alas nuwebe ng umaga, naghahanda na si Khiara para umuwi. Nang biglang isang kapitbahay nila ang humahangos na dumating. "Khiara! " hinihingal pa ito, habu-habol ang hininga habang nagsasalita. "Si Lawrence Khiara!" hindi masabi-sabi ni aling Martha ang dapat na kanya ay sasabihin. "Aling Martha ano pong nangyari? Bakit po si Lawrence?" nagtatakang tanong niya. "Yung anak ko tumawag, nahimatay daw ang kapatid mo sa school at dinala na sa hospital! Magmadali ka Khiara dahil nasa hospital na daw si Lawrence." "Saang hospital po?" tanong nitong muli. "Nasa Carig daw Khiara, bilisan mo!" "Opo!" natatarantang nag-ayos si Khiara at saka nagmamadaling umalis. Nakalimutan na niyang magpaalam kay Aling Lourdes. "Diyos ko! Gabayan niyo ang ading ko!" Patuloy siya sa pagdarasal, nanginginig ang katawan niya habang sakay ng tricycle papuntang hospital. Halos takbuhin na niya ang loob ng hospital makita lang ang kapatid. "Ate Khiara dito po!" tawag sa kanya ni Marianne na anak ni Aling Martha. "Diyos ko Marianne, ano bang nangyari kay ading?" "Hindi ko din alam ate eh, kanina habang nag-eexam kami, bigla nalang siyang hinimatay at natumba sa kinauupuan niya!" nakahawak sa dibdib si Khiara. Hanggang sa lumapit sa kanya ang doctor na sumuri kay Lawrence. "Doc ano pong nangyari sa ading ko? Bakit po siya hinimatay?" nag-aalalang tanong niya sa doktor. "Tatapatin na kita iha, kailangang maoperahan ang kapatid mo sa lalong madaling panahon!" lumaki ang kanyang mga mata sa gulat. "Ho! Ganoon ba kaseryoso ang sakit ng kapatid ko? Doc ano po ba ang sakit ni ading?" nanginginig na siya, natatakot na din siya sa pwedeng mangyari sa kapatid niya. "May sakit sa baga ang kapatid mo iha, sobra-sobra ang tubig sa baga niya. Kailangan niyang maoperahan dahil baka magka- kumplikasyon. Lalo pa at may problema din sa puso ang kapatid mo at baka makadagdag na iyon sa kumplikasyon niya. Maaari itong magdulot ng drowning o yung kakulangan ng oxygen sa katawan na pwedeng magdulot ng cardiac arrest o brain damage." hindi makapaniwala si Khiara na may iniindang sakit na pala ang kanyang kapatid. Kaya pala namumutla ito noong iwan niya ito, at pansin din niya na nahihirapan din itong huminga. "Doc magkano po ba ang kakailanganin para sa operasyon ng kapatid ko?" nanginginig na ang boses nito habang kinakausap ang doktor. "Usually umaabot ang gamutan, hanggang one hundred thousand or more, depende sa mga nabanggit na mga kondisyon niya. At dahil mahina rin ang puso ng kapatid mo, kailangan mo talagang maghanda ng malaki- laking halaga." hawak ang dibdib na napaupo sa sahig. "Ate Khiara ok ka lang? Ate tatagan mo ang loob mo, hindi ka pwedeng nagkasakit dahil kailangan kapa ni Lawrence ate ." nag-aalala naman na sabi ni Marianne. "Saang kamay ng Diyos ko kukunin ang ganoong halaga Marianne. May ipon naman ako kaso maliit lang, hindi pa naka one fourth sa kailangan naming halaga!" umiiyak nitong sabi. "Ate pasensya kana kung may maitutulong lang sana kami ni Nanay, kaso sakto lang din ang kita ni Nanay para sa amin sa paglalabada niya." tumango naman ito at hinawakan ang kamay ni Marianne. "Marianne pwede bang ikaw na muna ang bahala kay Lawrence, parang awa mo na bantayan mo muna ang kaibigan mo dahil maghahanap ako ng tulong. Magdidiskarte lang ako." tumango naman ito sa kanya. "Sige ate, huwag kang mag-alala." umalis si Khiara ng hospital na tuliro at hindi alam kung saan hihingi ng tulong. Naglalakad lamang siya na lutang parin ang isip. Isang malakas na busina ng sasakyan ang gumising sa kanyang diwa. "Magpapakamatay kaba? Diyos ko neneng idadamay mo pa kami!" galit na wika nung driver. Naglakad muli siya at sumakay ng tricycle. Nagpunta siya ng palengke para humingi ng tulong kay Aling Lourdes. "Naku Khiara ito lang ang kaya kong ibigay sayo pasensya kana ineng." sabay abot nito sa tatlong libong piso. Nagpasalamat naman siya saka din siya umalis, susubukan niyang humingi ng tulong sa kanilang mga kamag-anak. "Tiyang, parang awa niyo na baka pwedeng makautang. Si Lawrence po kailangan niyang maoperahan." "May kailangan ka rin naman pala sa amin? Akala mo kung sino kang magaling tapos ngayon lalapit lapit ka sa amin! Pasensya kana dahil wala din kaming pera, nanganak ang pinsan mo at nagamit ko na ang pera sa panganganak niya." umalis siyang bigo, bagsak ang kanyang mga balikat na naglakad muli. Hanggang sa nakarating siya sa bar na pinapasukan niya. "Oh Khiara, ang aga pa ah!" sambit ni Mommy V pagkakita sa kanya. "Teka bakit ganyang ang hitsura mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa?" bigla na lang itong humagulgol sa pag- iyak. "Mommy V, wala na akong malapitan. Nasa hospital po si Lawrence at kailangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Mommy V baka pwedeng makahiram sayo." umiiyak nitong sabi. "Magkano ba ang kailangan ng kapatid mo?" "One hundred thousand po." "One hundred thousand? Diyos ko Khiara saan naman ako kukuha ng ganyang kalaking pera. Pasensya kana dahil walang wala din ako ngayon." litong lito na siya, kanino siya lalapit? Kanino siya hihingi ng tulong? "May suggestion ako sayo, magkakaroon ng bidding mamayang gabi. Khiara ito na ang chance mo! Maipapagamot mo ang kapatid mo!" tila na eexcitte na sabi nito. "Hoh? Mommy V ayaw ko po, alam niyo na po kung anong sagot ko diyan. Hindi ko kayang ibenta ang katawan ko Mommy V." "Prinsipyo mo parin ba ang iniisip mo? Khiara naman para sa kapatid mo ito, buhay ng kapatid mo ang nakasalalay dito. Kalimutan mo muna yang bulok mong prinsipyo. Pag-isipan mong mabuti Khiara, milyones ang taya dito. Kung magkataon maisasalba mo ang buhay ng kapatid mo, sigurado akong maraming mag-aagawan sayo. Sa ganda mong iyan, Diyos ko pag-aagawan ka ng mga mayayamang kasali sa bidding." napapaisip siya kung tatanggapin ba niya alok sa kanyang sumali sa bidding. Hindi kakayanin ng konsensya niya, kapag ginawa niya iyon wala nang siyang pinagkaiba sa mga babaeng bayaran. Umalis siya ng bar na baon-baon ang alok sa kanya ni Mommy V. "Kung ito ang tanging paraan para mabuhay si ading, gagawin ko!" Naglakad siyang muli papunta sa school nila, hindi na siya pumasok pa at nag-aabang sa labas para makausap ang kanyang mga kaibigan. "Khiara! Girl bakit hindi ka pumasok? May nangyari ba? " si Stella ang unang nakapansin sa kanya. "Teka bakit ganyan ang hitsura mo? Namumutla ka ah!" si Trixie naman ang nagtanong. "Malaki ang problema ko, nasa hospital ang ading ko at kailangan niyang maoperahan kaagad. Wala akong malaking halaga mga beshy, hindi ko na alam ang gagawin ko." pagpapaliwanag niya sa dalawa. Hanggang sa lumapit narin sa kanila si Halter. "Beshy may maitutulong ba kami? Magsabi ka lang, may kaunting ipon naman ako." "Ako din beshy pwede akong humingi ng tulong kay Mama, magpapadala yun kapag humingi ako." sabi naman ni Stella na ang Ina ay isang OFW sa Hong Kong. "Naku huwag na, alam kong kailangan niyo ng pera ngayon. Finals na, kaya ok lang huwag na kayong mag-alala . " "I insists beshy, may twenty thousand ako, kunin mo muna." sabi naman ni Trixie. "Khiara oh, five thousand lang yan sana makatulong sa inyo." sabay abot naman ni Halter sa kanya ng limang libong piso. Napalunok naman si Khiara, hindi niya maiwasang mangilid ang kanyang mga luha. "Mabuti pa kayo na hindi ko kaanu-ano handang tumulong sa akin, samantalang mga kamag-anak namin walang gustong tumulong!" hanggang sa tuluyan na itong napahagulgol ng iyak. Niyakap naman siya ng dalawang niyang kaibigan at si Halter naman na panay ang hagod sa kanyang likuran. "Teka, kumain kana ba?" muling wika ni Halter sa kanya. Umiling naman siya, mula kaninang umaga, hanggang tanghalian ay wala pa siyang kain. Hindi na niya napansin ang oras dahil sa gulong gulo na ang isip niya. Pagkatapos nilang kumain, nagpunta na siya ng hospital, naabutan niya sina Marianne at Aling Martha na nagbabantay sa kapatid niya. "Aling Martha pasensya na po sa abala." hinging paumanhin niya dito. "Ok lang Khiara, ano kumusta ang lakad mo? Sabi pala ng doktor kailangan na daw maoperahan ang kapatid mo." tumango naman siya, alam niyang kukulangin ang hawak niyang pera. "Sige po kakausapin ko po ang doktor, Aling Martha pasensya na po kayo may hihilingin po ulit ako sa inyo." "Sige Khiara basta kaya ko." "Ahm, lalabas po muli ako mamaya maghahanap pa ako ng pandagdag para sa operasyon ni Lawrence. Kayo na po muna sana ang bahalang magbantay kay ading. Iiwan ko po sa inyo ito Aling Martha." sabay abot nito sa nakasobreng pera. "Galing po yan sa mga kaibigan, kukulangin po yan Aling Martha kaya kailangan ko pang dumiskarte." "Sige, basta mag-iingat ka sa lakad mo. Magga- gabi na Khiara." laking pasasalamat niya dahil kahit papaano may mga taong handang tumulong parin sa kanila. Hindi man sa pinansyal na aspeto pero malaking bagay na ito sa kanya ang support system na nakukuha niya mula sa ibang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD