MABIBIGAT ang mga hakbang ni Khiara habang palabas ng bahay ng mga Cervantes. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa makababa na siya hagdan at nagtuloy-tuloy ito sa may garahe. Habul-habol siya ni Kent, kanina pa niya ito tinatawag ngunit sadyang wala na siyang naririnig. "Khiara sandali! Please listen to me, Khiara!" lalabas na sana ito ngunit saktong pagdating naman ng isang sasakyan. Tumigil siya kapagkuwan at nilingon ang sasakyang iyon. "Akira! Fin, Fox!" tawag niya sa mga anak, humahangos naman si Kent na lumapit sa kanya. "Makinig ka sa akin Khiara, parang awa mo na please! Inaamin ko naduwag ako, natakot ako, but believe me hindi ko gustong maglihim sayo!" lumapit si Khiara at pinagsusuntok ito sa kanyang dibdib. "How dare you Kent! Anong kasalanan ko?" umiiyak nitong sabi, haban

