KHIARA POV: Who could imagine that I can survive this far? Kinaya ko ang lahat ng pagsubok sa aming buhay. Mula noong nagkasakit si Lawrence, mula sa isang gabing pagkakamali ko kinakaya kong tumayo. Nadapa man ako, pero pilit akong bumangon. Mula sa masasakit na salita at mga pangungutya sa akin ng ibang tao kinaya ko ang lahat. Wala silang alam sa totoong nangyari at wala akong planong ipaliwanag sa kanila ang lahat dahil alam ko sa sarili ko kung ano ang totoo. Isa na akong ganap na pulis ngayon, dalawang taon ang mga triplets ng maisipan kong pumasok na sa academy. Noon naman ay ganap nang mga pulis ang aking mga kaibigan, sila ang umalalay kay Lawrence sa pag-aalaga sa mga triplets habang nasa loob ako training center. Hindi ako nanganagamba para sa kaligtasan ng mga anak ko dah

