"MY GOD! KENT?" gulat na gulat na bulalas ni Khiara pagkakita kay Kent na noon ay nakahiga na sa basa at malamig na semento. "Ano ba kasing ginagawa mo dito ng ganitong oras?" hindi naman ito umiimik, nakangiwi lang habang sapo ang kanyang ulo. "Sorry! Sorry Mine ko!" wala sa sariling sambit ni Khiara. Dito lumawak ang pagkakangiti ni Kent, habang titig na titig kay Khiara na noon ay hindi magkanda- ugaga kung anong gagawin. "Aray! Ang sakit ng ulo ko! Napuruhan mo ako dun ah! Ahhh.. Ang sakit baka magka- amnesia na ako sa ginawa mo!" napapadaing nitong sabi, nakangiwi naman si Khiara at hindi malaman kung saan ito hahawakan sa ulo ba o sa batok nito o sa balikat nito. "Ikaw naman kasi eh, akala ko kung sino na ang naglalaba at saka nagluluto ng mga pagkain namin! Aka- aka-la ko kinali

