"ATE kumusta ang check up mo?" sinalubong siya ni Lawrence isang araw na galing ito sa OB niya. Kasama niya sina Trixie at Stella, malaki na ang tiyan niya at nahihirapan na siyang maglakad.
"Grabe naman kasi yang tiyan mo Khiara, Diyos ko talagang mabigat yan biruin mo tatlong buhay yang nasa sinapupunan mo!" bulalas naman ni Stella.
"Ano? Ate triplets ang anak mo? Diyos ko ate kakayanin mo kayang ilabas ang mga iyan?" natampal ni Lawrence ang noo .
"Ang OA naman nito, siyempre hindi niya kakayanin. Kaya nga naka-schedule na ang operasyon niya diba? Cesarian section daw eh!" sambit naman ni Trixie,
"Sana makapanganak kana bago kami pumasok ng academy, gusto muna naming makita ang triplets bago kami umalis." muling sambit ni Trixie.
NAGING maayos ang pagbubuntis ni Khiara, nandiyan palagi ang kanyang mga kaibigan para alalayan sila. At si Aling Martha na halos araw-araw na rin kung pumupunta ito sa kanilang unit para tulungan ito sa mga gawaing bahay. Ito narin ang tumutulong sa kanya para makaligo siya ng maayos dahil talagang nahihirapan narin siyang kumilos.
"Khiara aalis na ako, ano ok kana ba?" tumango naman si Khiara.
"Aling Martha, salamat po ah." pilit niyang tumayo para sana kumuha ng kaunting halaga para naman may maiuwi ito sa kanyang pamilya. Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakatayo ng bigla siyang nakaramdam ng pananakit ng kanyang balakang. Napapangiwi pa ito kasabay din ng paghilab ng kanyang tiyan.
"Khiara ayos ka lang ba?" tanong nito ng mapansing nakangiwi si Khiara.
"Aling Ma- Martha ang sakit po ng balakang ko. Ahh, aray!" daing nito ng makaramdam din siya ng pangingirot ng kanyang tiyan.
"Naku anak, baka manganganak kana!" natataranta nitong sabi. Kaagad itong sumigaw ng tulong at lumapit naman sa kanila si Lawrence.
"Lawrence ihanda mo na ang mga gamit ng ate mo at ng kambal, magmadali ka dahil manganganak na ang ate mo!" napakamot naman sa ulo si Lawrence.
"Triplets po Aling Martha." sabi pa nitong natatawa.
"Ewan ko sayong bata ka, sige na! Tawagin mo narin si Danny, dahil siya na ang maghahatid sa atin sa hospital." kaagad namang tumalima si Lawrence. Si Danny ay isa sa mga boarder's nila na may sariling sasakyan at nagpresinta ito na pwede nilang gamitin ang sasakyan niya oras na manganak si Khiara.
Sa isang pribadong hospital dinala si Khiara kung saan din ito monthly na nagpapa check-up. Kaagad na siyang dinala ng operating room ng ipakita nila ang papel kung kailan ang schedule operation niya. Napaaga ito dahil dapat sa makalawa pa sana ang schedule niya.
Matiyagang naghihintay sina Aling Martha at Lawrence sa labas ng operating room nang dumating naman ang kanyang tatlong kaibigan.
"Kumusta na po si Khiara Aling Martha?"
"Naku, hindi yata tapos ang operation niya. Maghintay lang tayo saglit sigurado maya-maya tapos na iyon."
"Naku sana naman ayos lang si Ate, sana ayos lang ang kambal." tanging nasabi ni Lawrence.
"Triplets Lawrence." natatawa nalang silang lahat.
Hanggang sa may isang nurse ang lumabas, nakalimutan kasi nilang ibigay ang ang mga gamit ng triplets pati narin ang mga personal hygiene ng mga ito.
Muli silang naghintay hanggang sa makarinig sila ng iyak ng sanggol, nagkatinginan silang lahat. Noong una isang iyak lang ang narinig nila, hanggang sa naging dalawa na at nagsabay sabay na ang iyak na naririnig nila.
"Diyos ko salamat naman at nakaraos na si Khiara!" usal naman ni Aling Martha.
"Naku excited na ako, ano kayang hitsura ng triplets? Hahahah.. sigurado gwapo at magaganda sila mana sa akin." nakatawang sambit ni Trixie. Siniko naman siya ni Stella at ayaw naman nitong magpatalo.
Lahat ay masaya sa pagdating ng triplets, ayon sa doktor malulusog daw ang mga ito. Kaya naman laking pasasalamat nila at matagumpay itong nailabas ni Khiara.
Nasa kwarto na sila kung saan magpapalakas at magpapagaling si Khiara. Kasama -kasama narin nila ang triplets dito.
"Beshy, umiiyak kana naman?" tanong ni Trixie nang mapansin niya itong nagpupunas ito ng mukha.
"Masaya lang ako Trix, masaya ako dahil sa wakas nahahawakan at nahahagkan ko na ang triplets." sabay pahid nito sa kanyang mukha.
"Ang gwapo nila, at ang ganda ng nag-iisa kong prinsesa."
"Hushhh. Tama na nga yang iyak na yan, ang pangit mo na." tudyo sa kanya ni Trixie
"Alam mo ang galing ninyong dalawa ng Daddy nila, biruin mo triplets agad. Siguro sinagad sagad niyo ano? O di kaya naman lahat ng position ginawa niyo kaya triple slay kaagad, hanep!" natatawang sambit ni Stella.
"Sira ulo talaga kayo, yung bibig niyo nakakahiya." halos pamulaan na nang mukha si Khiara dahil sa kahihiyan.
"Beshy hindi mo ba talaga kilala yung Ama ng triplets?" muling tanong ni Trixie.
"Hindi eh, madilim kasi. Pero ang naaalala ko sa kanya, matangkad siya, malaki ang katawan, hunk at sobrang kinis niya pati ang bango niya." tila kinikilig naman ang dalawa niyang kaibigan.
"Hunky? Wow, eh di yummy rin kung ganoon? Diba sabi mo mayaman siya? What if magkita kayong muli? Tapos malaman niyang nagkaanak kayo? Tapos yayain ka niyang magpakasal?"
"Day dreaming beshy? Naku, sa mga pelikula lang nangyayari yan sa totoong buhay never mangyayari yan!" saad naman ni Stella. Natatawa nalang si Khiara sa kakulitan ng dalawang kaibigan.
"What if lang naman, ikaw Trixie kontrabida ka talaga!"
"Hep! Baka magkapikunan na kayo, tama na!" saway sa kanila ni Khiara.
SIMULA nakapanganak ito, wala man lang ni isa sa mga kamag-anak nila ang dumalaw sa kanya, mabuti na lang andiyan palagi si Aling Martha para alagaan siya habang magpapalakas siya. Hindi siya nahihirapan sa pag-aalaga sa mga triplets dahil maraming nagbo- volunteer na mag-alaga sa mga ito. Nandiyan ang ilan nilang mga boarder's at sina Aling Martha at Marianne.
Pinangalanan niya ang dalawang lalake na sina Fox at Fin at ang nag-iisang babae naman na si Akira.
Dumaan pa ang araw at tuluyan nang pumasok sa academy ang kanyang mga kaibigan, naiinggit siya sa mga ito pero wala siyang magagawa dahil sa kondisyon niya. Kailangan muna niyang magpalakas at alagaan ang triplets hanggang sa pwede na siyang pumasok para mag training.
ISANG araw naisipan niyang ilabas ang mga triplets, isang taon narin ang mga ito. Hindi na talaga mapipigilan ang paglaki nila, habang lumalaki ang mga ito lumalaki narin ang kanilang mga gastusin. Hindi naman niya problema ang gastusin dahil may naitatabi pa siyang pera na tanging nakalaan para sa triplets.
Nasa isang sikat na mall sila sa Tuguegarao, tatlong strollers ang tulak tulak nila sa loob ng mall.
Naglalakad naman ang mag-asawang Lara at Dylan kasama ang bunsong anak nila na si Chloe.
Nasa isang mall sila dahil dito nila naisipang maghintay kay Kent na noon ay manggagaling pa ng Santa Ana para bisitahin ang isang site nila doon.
Nakapukaw sa kanilang atensyon ang tatlong strollers na nasa kanilang harapan. Nakahilera kasi ang mga iyon, habang may tatlong tao naman ang nakatayo dito.
"Wow! Daddy, Mama look!" masayang sambit ni Chloe. Namangha naman ang mag-asawang Dylan at Lara pagkakita sa mga babies.
"Are they triplets?" masayang tanong ni Lara.
Napaigtad naman si Khiara ng makita ang isang babaeng may mala anghel ang kanyang mukha at isang lalake na tila may dugong foreigner at sobrang gwapo nito kahit na may edad na ang mga ito.
"Ah, yes po." tipid namang sabi ni Khiara.
"Wow babe, namiss ko tuloy magka baby." saad naman ni Lara sa asawa.
"Yeah! And look at them, they were like Kent and Kurt!" masayang sambit naman ni Dylan.
"Mga anak mo ba sila iha? Ang cute cute niyo naman babies, sana magkaapo narin tayo babe what do you think?" bigla namang natawa si Dylan. Nang biglang tumunog ang Cellphone ni Lara, sinagot niya iyon saka sila nagpaalam.
"Nice meeting you iha, babye cuties."
Nagpaalam narin sila dahil tumawag na si Kent na nasa isang restaurant na daw ito.
Ngumiti naman si Khiara at yumuko bilang paggalang sa mag-asawa.
"Ay sayang naman Mama, gusto ko pa naman sanang kargahin yung baby girl, ang cute cute nila diba Daddy?"
"At sinong cute ang sinasabi mo Chloe?" tanong ni Kent habang kumakain sila.
"May na meet kasi kami kaninang babae, maganda siya kuya, matangkad, maputi she's perfect!"
"And, what now?"
"Kasi kasama niya yung triplets niya, you know what kuya they look like you and kuya Kurt especially the two cutie boys diba Mama?" baling naman ngni Chloe sa Ina.
"Alam mo sayang eh, kung nakita mo lang sila sigurado magugustuhan mo din sila. Hay, kailan kaya ulit magkakaroon ng baby sa mansion. Nakakamiss lang kasi babe." saad naman ni Lara.
Napapailing na lang si Kent, matagal nang nagpaparinig ang parents niya na gusto na nilang magkaapo, anong magagawa nila? Ang ate niya busy sa pagiging Doctor niya, ang kambal naman niyang si Kurt busy rin bilang isang abogado, at siya hindi pa niya nahahanap ang babaeng mamahalin niya. Ayaw niyang magpadalus dalos sa pagpili ng mga babae dahil ayaw na niyang masaktan, minsan na siyang nagmahal at minsan na rin siyang niloko. Hirap na hirap na siyang magtiwala sa mga babae ngayon, hindi naman siya nawawalan ng mga babae. Isang tawag lang niya sa mga ito nag-uunahan sila para mabigyan siya ng serbisyo.
They are just his pastime, his f*****g buddies.
Parausan, iyan ang tingin niya sa mga babae ngayon. Pampalipas ng oras kapag gusto niyang maglabas ng init ng katawan.