PAGKAUWI ni Kent kaagad na sumalubong sa kanya si Lawrence na sobrang nag-aalala na. "Kuya may balita naba kay Ate?" ngumiti naman ito sa kanya, senyales na may dala itong magandang balita. "Huwag ka nang mag-alala Lawrence, your ate is safe now. She's a fighter remember?" nakahinga ng maluwag si Lawrence. "Diyos ko, salamat at hindi mo hinayaang mapahamak ang ate ko!" muling sambit nito habang nakatingala sa itaas. Tinapik naman siya ni Kent sa balikat saka pumasok sa loob para puntahan ang triplets. "Kuya magpahinga kana muna, wala ka pang tulog ako na lang po ang bahala sa mga triplets." pahabol pa sa kanya ni Lawrence, ngunit hindi siya pwedeng magpahinga. Sisilipin muna niya ang mga triplets dahil plano niyang dalhin muna ang mga ito sa bahay nila. "Daddy!" sigaw ni Akira ng maki

