KASALUKUYANG nag-uusap sina Khiara at Kent ng biglang tumunog ang kanyang Cellphone. "Bhe ano na, tapos naba ang laban?" tumatawang boses ni Trixie ang nasa kabilang linya. "Sira ulo ka talaga Trix, iyan lang ba ang itinawag mo?" nakakahiya talaga ang pinagsasabi ng kaibigan niya. "Hindi, ikaw naman hindi na mabiro. Hahahah.. So ano nga may nangyari sa inyo?" muling hirit pa ni Trixie. "Aggg! Trix, humanda ka talaga sa akin! Sige na babye!" "Teka, teka! Hindi kaba magrereport ngayon, nandito kaming lahat ah! Sina Halter nagroronda sila kami naman busy sa repacking ng mga relief goods." bigla siyang napatigil, nawala na sa isipan niya na bumabagyo pala. "Luh! Bakit ba nawala sa isipan ko yan?" napapakamot siya sa ulo, dahil sa kabaliwan niya nakalimutan na niya ang tungkulin niya. Kaa

