CHAPTER 02

2285 Words
Subdivision Scandal V Written By: TheSecretGreenWriter ✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️ •GANNY'S THROWBACK• ❤️ Simula ng araw na 'yon ay naging magkaibigan kameng siyam. Sumapit ang bagong school year, ngayon ay legit na makakatuntong na kameng tatlo dito sa Secondary Campus. Sa grupo kase bukod sa akin si White at Silver ay kapwa ko nasa primary campus pa nung nakaraan. Pero ngayon, kasama ang ibang Killer Colos  ay sama sama na kame rito. Wala naman ganap masyado nung nakaraan, naging abala kase sila kuya, Red at yung Green. Pareho kaseng nasa Tertiary ang tatlo. Ako bilang Leader parang hindi ko naman maramdaman. Parang binebaby  pa nga ako nila. Na ikinaiinis ko sa mga nakakatandang miyembro. Dalawang taon lang naman ang tanda nila sa akin, kaya parang wala naman halos pinagkaiba. Mga isip bata parin sila. Bago mag umpisa ang bagong klase bukas ay pinatawag kame ni Green. Dating lugar, sa bakanteng classroom sa may Secondary Campus. "Huy pre" pagtingin ko sa kaliwa ko ay nakasunod na sakin si Zach. "Magandang hapon" nakangiting bati niya habang nakasunod sa akin. "Bat kaya tayo pinatawag" tanong ko naman. Lingo ngayon, at walang klase. Pero tulad nga ng sabi ni Green may kapangyarihan akong papasukin ang mga to' kahit di naman talaga pwede. Sinulat ko ang mga pangalan nila sa Guard House sa entrada ng DMA. Ipapakita lang nila ang kanilang ID at maari na silang pumasok. "Malay ko pre, ikaw ang boss dapat alam mo" huminto siya at humarap sa akin. Tuloy tuloy ang paglalakad patalikod. "Hindi ba sinabi sayo ng kuya Gray mo" Hindi ako sanay na tawaging Gray si Zhabby. Napakabaduy. Yung tanong niya parang nakakainsulto. Ibig niya bang sabihin malakas lang ako kaya ako ginawang Leader. Malakas sa mga guard? Napahinto kameng dalawa ng may biglang lumukso mula sa puno ng mangga. Si Miggy, tinignan ko yung mataas na puno. Hitik 'yon sa bunga. Pero paanong tinatalon niya lang ang ganun kataas. "Gusto niyo" alok niya sa manga. "Masarap isawsaw sa asin" "Huy pre hanep ikaw talaga ang  Yellow ninja ng grupo, The yellow flash of the Colos!" lumapit si Zach kay Miggy at kumuha ng isang  mangga. Walang anu ano'y. Kinagat niya ito gamit ang sariling mga ngipin. The Heck. "Putcha pre ang asim! Gagi!" binato niya yung mangga kay Miggy na nasalo naman neto. "Kaya nga sabi ko masarap isawsaw sa asin" pagpapaliwanag niya kay Zach, maya maya ay ibinato nito sa baurahan ang mangang di naubos kainin nitong si Zach. Nasaan na kaya si White? Siya ngayon ang naging matalik kong kaibigan, kaibigan niya rin si Silver pero di ko gusto ang ugali niya. "Sinasayang niyo ang biyaya ng kalikasan" sabay na dumating yung magkambal na Gheo at Theo. Si Theo yung pumansin sa amin. "Gandang hapon" naka akbay naman si Gheo sa kakambal niya habang sinasabi 'yon. "Kon'nichiwa, hansamu!" naghahabol naman ng hininga ng dumating sa kinatatayuan namin si Whiterou. "Kita ko kayo dito, kaya tumakbo na ako.. baka kase bigla kayo umalis Hahahaha" tumingin siya kay Miggy na may hawak na maraming mangga. Parang naglalaway pa siya. "Oishī!" tinignan niyang maiigi yung mga mangga. "May bagoong ka yellow?" tanong niya kay Naruto. "Wala, asin lang" matipid na sagot, sabay abot kay Whiterou nung mga mangga. "Gusto mo" "Hai!" Marunong naman magtagalog, pero panay pa Japanese. "Huy Brenth same subdivision pala tayo" sa likuran ko ay nariringig kong nagsasalita si Blue. Kasabay nitong naglalakad si Brenth na nakasuot ng headset. Tsch. Di siya pinapansin. "Huy Brenth nakikinig ka ba!" malakas na sigaw nito sa katabi. Napatingin kameng lahat kay Brenth, nagtaka naman siya. Inalis niya ang nakalagay sa tenga at tumingin sa katabi. "May sinasabi ka?" parang walang pakeng tanong nito. "Sabi ko magkapareho pala tayo ng subdivision, UPS II rin ako nakatira eh" masayang paliwanag ni Ogie kay Brenth. "Eh ano naman ngayon?" blanko ang mga mukhang tanong ni Brenth sa katabi. Hahahaha Attitude! "Hindi ko naman ikakasaya 'yon" humarap siya sa amin. "Hi guy's bat kayo nandito" tanong niya. Nagkatinginan kameng mga nauna dito. "Si Ganny" turo sakin ni Zach. "Bat ako?" pagalma ko sa paratang niya. "Si Miggy" sagot ko ulit. "Nagalok lang ako ng mangga' ako na?" depensa niya naman. "Hahahahahaha para kayong mga timang!" malakas na tawa ni Whiterou. "Bat di niyo alam kung bakit kayo nandito Hahahah" ang ingay niya. Parang kaugali niya yung Green. "Ingay mo Hapon, ringig hanggang langit" biglang dumaan sa kumpol namin si Silver at dirediretsong naglakad palayo. "Hey may problema ka ba sakin!" sigaw ni Whiterou kay Silver. Pero di na siya pinansin nito. "What's wrong with that guy" tanong niya sa amin. "Hayaan niyo na" mula sa gilid ko ay nakita ko na si White. May dala dala itong skateboard. "Maraming iniisip ang tanong yun" sabi pa nito. "Alam niyo ang wiwirdo niyo' nang dahil lang sa mangga" natatawang pagkekwento ni Zach. "Nahinto nayang mga bayag niyo! Hahahaha" sabay takbo to. "Hoy anong sabi mo!" sigaw ni Whiterou. "Mga walang bayag! Hahahaha" pang aasar pa nito. "Bilang Leader ng grupong to, paparusahan ka namin!" nagtawanan yung mga kasama ko. "Puputulan ka namin ng bayag!" "Kung mahahabol niyo ako!" kinupas kumpas pa niya ang mga kamay, at parang may hinihilang lubid. "I'll deal with him" seryosong bigkas ni White. Nakita ko nalang nakasakay na siya sa dala dala niyang skateboard papunta kay Zach. "Hoy madaya! Takbo lang walang ganyan" pilit tunatakbo, pero wala siyang nagawa ng mahabol siya ni White. Sumunod kame at sabay sabay naming, pilit hinihubad ang suot niyang pantalon habang hawak hawak siya ni White na tila walang pake na mas ahead sa kanya ang taong yan. "Hoyyyy mga manyakissss!!" Nagtawanan kame ng halos magmakaawa na si Zach habang hinuhubaran namin. "Sino nagsabing maglaro kayo" natahimik ang lahat ng maringig namin ang boses ni Green.  Nakasuot ng itim na damit na may nakasulat na 'FEAR OF GOD' tapos may stuff toys na anyong unggoy na nakakabit sa braso niya. Para saan naman  'yon? Katabi niya naman si Silver na nakakrus ang mga kamay. Pailing iling  habang tumitinhin sa amin. "Sir Green, hinuhubaran nila ako" pagsusumbong ni Zach na lumayo pa sa amin na sinusuot ang pantalon niya. "At bakit niyo ginagawa 'yon" tanong niya na sinimulan sindihan ang hawak na yosi. Ibang iba ang ugali niya ngayon di ko maintindihan. "Wala daw kase kameng bayag" tangina naruto to. Rason niya habang kumakain ulit ng dala niyang mga mangga. "Kaya kukunin namin bayag niya Hahahaha gagawin naming Balot! Hahaha ipapakain namin sa mga pusa Hahahaahah!" sabad naman ni Hapon na lumalapit ulit kay Zach. "Akin nayang bayag mo.. tutututuyyyy.." parang asong tinatawag niya si Zach. "Hoy Hapon yang may sarili kang bayag!" "Kakasabi mo palang wala diba!" "Figure of Speech yun! Makareact naman to, Hoy wag kang lalapit wag kang lalapit!" Tumakbo ulit si Zach at hinabol ulit namim siya. Hanggang sa makasalubong namin si Red at Kuya. "Naglalaro ang mga bata" pagpuno ni Kuya sa amin. May mga dala silang nakalagay sa plastik ano kaya yun. "Initiation Rite time" Napahinto kameng lahat sa ginagawa ng maringig ang pagsasalita ni Green. Sa seryoso niyang katayuan sino ba namang hindi matatakot, pati tong mga makasama ko ay parang nagdadalawang isip na tumuloy sa abandonadong silid. "Ngayon masusubukan ang paninindigan niya bilang miyembro ng inyong pangkat" nagumpisang magsalita si Red, kasama si Kuya ay tumabi sila kay Green. "Yung gagawin namin sa inyo ngayon ay magmamarka ng kakaibang kulay sa inyong pagkatao" dagdag ni kuya. Kulay? Pasa? Latay? Iniisip ko palang ang mga salitang 'yon nanunuot na yung sakit. "Sumunod ang desididong magtutuloy para sa grupo"  nagsimulang maglakad yung tatlo. Napatingin ako sa iba kong kasama, ako pala yung leader bigla kong naalala. "Ehem" pag ubo ko kunwari at isa isa silang tinignan. Pero nagulat ako ng naglalakad na sila pasunod sa tatlo. Haist. Di man lang pinakinggan ang sasabihin ko! Bakante yung buong building. Sa ibang kwarto kame pinatuloy. Pina upo nila kame sa kabilang silid. Habang silang tatlo namam ay nasa kabila. Kameng siyam naman ay tahimik lang sa kwarto. "Ano kayang gagawin satin" katabi ko si Ogie, halos ilabas niya nga ang ulo niya sa may pinto para masilip ang nangyayari sa kabilang kwarto pero bigo siya. "Hazing? Diba ganun yung initiation sa mga Frat" pananakot ko sa kanya, na kahit ako takot na takot rin naman. "Luh, hindi naman tayo fraternity ah" sagot naman nito. "Diba Brenth" lumingon naman siya sa tabi niya. "Umalis ka nalang kaya, mukhang naduduwag ka" Nakangiting sinagot ni Brenth si ogie. "Uy hindi ako duwag ah" muling sinipat ni Ogie ang mukha ni Brenth. "Brenth sabay tayo, uwe mamaya" "Kulit" "Dali na, magkaibigan naman na tayo ah" inalis ni Ogie yung headset sa tenga nito. "Hoy Brenth R. Hernandez" nagulat si Brenth ng bigkasin ni Ogie ang mga 'yon. "Ba..bat mo alam buong pangalan ko?" naging interisado tuloy ito sa makulit na si Ogie. "FYI officer ako, kaya marami akong kapit" pagmamayabang niya. "Buong pangalan mo lang naman inalam ko" sabi nito. "Stalker" pagsusungit ni Brenth. Tumayo ito at lumipat sa likuran. "Hoy bat ka umalis!" "Magisa ka diyan!" at muling sinalpak ang headset sa tainga. Napapangiti ako habang iniisip na magiging magcococlose talaga na kameng lahat. Killer Colos ng DMA, ang cool. "May idea ba kayo sa mangyayari" tanong ni Theo na nakatayo tapos pasilip sana sa labas ng harangan siya ni Kuya Zhab. May mga dala siyang scarf, ibat ibang kulay. Hindi na ako mag iisip kung para kanino, dahil obvious naman na para sa aming siyam. "Pipiringan ko kayo" nakangising sabi niya habang naglalakad patunga sa dulo. "Para di niyo makita kung gaano kabrutal ang gagawin namin sa inyo" Napalunok ako ng tatlong beses ng sabihin niya 'yon. Tuwing tinatanong ko siya pag nagkikita kame sa bahay, wala siyang sinasagot. Kaya wala talaga akong ka ideideya sa gagawin nila. Napasulyap ako kay White. "Coffee later.." sumenyas ako.sa kanya. "Hoi sama ako" mula sa likuran ko nagsalita si Whiterou. "Libre ko donuts Hehe" ngumiti ako sa kanya. "Sure" sagot ko naman. Naging bonding na namin ni White ang magkape lage, sa Starbucks malapit lang dito sa eskwelahan. "Sure, nagsosolo kayo eh" ang ingay ni Hapon. Haist, sinenyasan ko siyang tumahimik. Nakatingin na pala sakin si Kuya. "Rainbow" seryosong nakatitig siya. "Kung gutom ka lumabas ka nalang di ka kaylangan dito" Bat ako lang? Napanguso naman akong tumingin kay Whiterou. Tumatawang nang aasar ang gago. "Sorry" paghingi ko ng paumanhin kay Kuya Zhabb. "Talikod kayo" utos ni kuya na sinenyas pa ang kamay na humarap kame sa pader na nasa likuran. Sumunod kame sa pinaguutos niya. Mula sa gilid ng aking mata ay nakikita ko ang paglagay niya ng piring sa mata ni Silver na naroon sa gilid. Nagtuloy tuloy 'yon. Hanggang sa dumating siya sa pwesto ko. Kita ko ang kulay bahagharing scarf ng iaayos niya ito sa tapat ng aking mga mata. Naramdaman ko nalang na may takip na ang aking paningin. Dilim nalang ang tanging nakikita ko, nariringig ko ang paligid pero wala akong makita. Nakikiramdam ako sa gagawin nila sa amin, pero wala pang nangyayari. "Ngayon, lilipat tayo sa kabilang kwarto" boses ni Kuya. Hindi nagtagal ay naramdaman kong may humawak sa akin at inalakayan ako maglakad at pinahinto rin. "Hawak  ka sa kanya" Si Red yung nagsalita, naramdaman kong may kamay na dumapo sa magkabilang balikat ko. Pagkatapos ng ilang minuto ay may umalalay sakin at nagsimula na kameng maglakad. Hindi ko man nakikita, natitiyak ko na para kameng mga bagon ng tren na naglalakad papunta sa kabilang silid. Pinaupo nila kame. Maya maya ay naringig ko ng humahalakhak si Green. "Hahahaha handa na ba kayo, Colos!" tanong niya. Walang sumagot. Shet ano bang sasabihin namin. "Ay mga kinakabahan Hahahah" nagkakatuwaan sila. Ringig ko ang bungisngisan at mga tunog ng palad nilang umaapir sa isat isa. "Uulitin ko, handa na ba ang mga Colos!" "Yes Sir!" "Ou.." "Opo" Iba iba yung mga sagot namin. Nakakaramdam ako ng kaba takte. "Hindi to masakit, parang kagat lang ng langam" muli niyang sabi. Ano bang gagawin nila sa amin. "Aray!" "Oucchhhoyy" Nagulat ako ng may sumigaw na dalawa sa amin. Gusto ko tanggalin yung piring ko, parang gusto ko umurong. Pero biglang may humawak sa Braso ko. Biglang!! May itinurok sa braso ko. Sa gulat ay di ko mapigilang.. "Tanginaaaaaa!" Napamura ko sa sakit. Gusto ko magsalita pa, pero iba ang epekto ng ginawa nila. nakakaramdam ako ng antok. Bat ganito, ambilis naman ata, ano yung.... Bigla akong napabalikwas ng may maamoy na sobrang tapang mula sa ilong ko. Amoy... Ammonia! Anong nangyari. Pakiramdam ko ang sarap ng pagkakatulog ko. "Colos!" naalala ko nandito nga pala kame sa DMA, at umaattend sa di ko alam kung initiation rite ba talaga. "Alisin niyo na ang mga Piring niyo pagkabilang kong tatlo" "Isa.." "Dalawa.." "Tatlo..!" Dahan dahan kong inalis yung piring, hanggang sa tumambad sa harapan ko ang nakangiting tatlo. Ngising ngisi sila. "Hahahahahah ano yan" napatingin ako sa pinagtatawanan nila. Si... Si Whiterou kulay Pink yung kilay Hahahahahahaha! "Tangina ano yan Bwahaha" di ko mapigilan makitawa sa kanila. Anong nangyari sa mga buhok nila, may mga bahagyang nagbago' nakaroon ng bahid ng ibang kulay. "Shet.." napatingin ako kay Whiterou na nakatingin sakin. Ganun din yung iba, parang kinukusot pa nila ang mga mata nila. Tapos biglang.... Sabay sabay silang nagtawanan! Bakit?! Anong itsura ko! Tinignan ko rin si Green, Kuya at Red at nagtatawanan sila. The Heck! Anong itsura ko! Agad kong kinuha yung Cellphone sa bulsa ko at nanalamin ako! Takte ano to! "Bwahahahahaha mukhang Rainbow cake yang buhok mo Ganny Hahahahah" pang aasar pa sakin ni Whiterou. Anong nangyari sa buhok ko! Tangina bat puno ng kulay to!  COMMENT✍️ at VOTE⭐ "Ang update ko nakasalalay sa inyong komento" •TheSecretGreenWriter•
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD