NICOLE
"Wow! sarap ng ulam!" sabi ko ng makakababa na ko para kumain. "binili mo to sa labas ‘no?" joke lang un kasi alam kong si mama ang nagluto nito.
"Aba! ako kaya ang magluto nyan," sabi ni mama na proud na proud sa niluto nya.
Kung nung nakaraan ay nag-aalala ako dahil sa pagiging matamlay nya– ngayon ay medyo nabawasan na dahil kahit papaano ay masigla na siya. Siguro nga ay dahil lang sa trabaho yon.
Kahit kasi wala akong binabayaran at may allowance akong natatanggap galing sa school kailangan pa din ni mama magtrabaho dahil sa mga gastusin sa bahay.
"Alam ko naman kaya nga po masarap. Tara kainan na," sabi ko sa kanya at sabay na kaming kumain.
"Kumusta ang school mo? ung organization na sinalihan mo, nakapasok ka ba?" tuloy-tuloy na tanong ni mama sakin
"Okay naman po. Hindi naman masyadong maraming ginagawa, malayo pa din po kasi ang midterm at busy ung ibang prof para sa mga hawak nilang organizations kasi ang daming nag-aapply o nag-aaudition. Doon naman po sa MB at Quizmart, hindi rin busy," tugon ko sa tanong nya.
"Sa org ko naman, dalawa po ung sinalihan ko. Yung isa po required dahil scholar kami kaya need naming sumali, nag-election kanina napili naman po ako secretary. Yung pangalawa po ay Musikalista Organization– nakapasok ako sa isang banda... rhythm guitarist at vocalist po ako,” dagdag ko na nahihiya hiya pa.
"Ang dami mong sinalihan at parang ang hihirap ng posisyon mo.. di ka ba mapapagod nun o mahihirapan kasabay ng pag-aaral mo?" tanong nya na nag-aalala
Nilunok ko muna ung pagkain ko bago ko sinagot ung tanong nya. "Hindi naman po at kaya naman pong pagsabayin. Sabi naman po nila kapag oras ng aral, aral pa din ang priority namin kaya wag daw pong mag-alala," nakangiting sabi ko sa kanya kaya tumango na lang sya
"basta ‘pag napapagod ka na at kailangan mo ng kausap nandito lang si mama, okay? kung kailangan mo ng pahinga– magpahinga… hindi mo kailangang huminto.. pagkatapos magpahinga laban ulit, okay?" nakangiting paalala sakin ni mama kaya naman ngumiti at nagthumbs up ako sa kanya dahil puno ang bibig ko. "Ang kalat mo pa ding kumain… Nakakahiya sa boyfriend mo," pang aasar na sabi nya
Nabilaukan naman ako sa sinabi nya kaya nag-abot agad sya ng tubig. Nang makarecover ako saka lang ako sumagot.
"Wala akong boyfriend, ‘ma! grabe to... si Kim ang may boyfriend..." nakanguso kong sabi sa kanya at tinawanan naman ako
"Wala namang problema kung may boyfriend ka, dapat nga i-try mo na dahil college ka na. Magsaya ka naman, hindi ung lagi ka lang nandito sa bahay at kaharap yang gitara o libro mo," sabi nya na parang kinukumbinsi pa ko.
Nagpatuloy pa ang usapan namin hanggang sa matapos kaming kumain, ako na rin ang nagpresinta na maghugas para makapagpahinga na si mama.
Umakyat na din ako agad ng kwarto ko at hinanap ang phone ko baka tumatawag na talaga ung tatlo hindi ko pa alam..
Pagkuha ko ng phone ko may 2 text si Danica at hindi ko gusto ang nabasa ko
“Kaya pala nagyaya ng bar si Kim. she's broken, they already broke up. Shaun cheated on her!”
“And now she is so wasted! even krystal... can you go here and pick us up. pretty please....”
Agad kong dinial ang number nya at nagring naman un pero napaka tagal sagutin! Anong oras na– kanina nya pa to text e! Sana hindi pa wasted ung tatlong un.
Calling Danica...
"Danica! pick up your phone, hindi ko alam kung saan kayo susunduin!" sabi ko habang nagbibihis at inilagay sa loudspeaker yun.
nakailang ring pa ng may sumagot na lalaki. shete! eto na nga ba sinasabi ko ih!
[Hello] sabi ng kabilang linya
"Who's this? pwede kong makausap ung kaibigan ko." magalang na sabi ko sa kausap ko.
[You are their friend? I think they can't talk to you anymore– they are all I guess– sleeping.] sabi naman ng kausap ko. Wasted na nga talaga sila.
"Sorry to bother you, mister. May I know where you are right now? And pwede po bang pabantayan sila saglit. I'll pick them up na lang.... sorry sa istorbo," sabi ko kahit nahihiya ako, inaayos ko na din ung shoulder bag ko.
[yeah! I guess okay lang naman. sur- tell their friend to pick them up.. their ruining the moment.] biglang may narinig akong nagsalita na lalaki. [yow! dude relax... makakarami ka. hello? yeah. We're here at La Nueva Bar. Bye!] sabi nung kausap ko at binaba na.
Pagkababang-pagkababa ng tawag ay agad na akong pumunta sa kwarto ni mama at nagpaalam sa kanya na susunduin yung tatlo.
Sumakay lang ako ng taxi at agad na sinabi ang bar na sinabi nung lalaki. Mukhang kilala ang bar dahil alam agad ng driver kung saan ako dadalhin.
Napapikit na lang ako nang makita ko ang bar na pinuntahan nung tatlo tapos napatingin sa sarili ko. I don't know if I’m wearing proper attire in this place…
"Dito na tayo ma'am," sabi nung taxi driver kaya nagbayad na ko at bumaba na.
Naiwan akong nakatayo sa harap ng bar na sinabi ng lalaking kausap ko. Alangan pa ako pero wala na rin akong nagawa kung hindi ang kumilos.
Bago ako makapasok ay hiningian muna ako ng ID. Mabuti na lang at lisensya ko ang dala ko kaya naman wala akong naging problema.
I immediately dial Danica’s phone number just to ask where they are. Nag-umpisa na rin akong maglakad-lakad– nagbabakasakaling makita sila.
"Whoa! Chill, miss! Parating na kaibigan nyo."
Mabilis akong napalingon sa isang gilid nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay hindi ganon kalakas ang tugtog kaya narinig ko.
Dali-dali akong pumunta doon at nagulantang ako sa itsura ng mga kaibigan ko. Yeah! they're all WASTED! Yari talaga tong mga to sa parents nila! may pasok pa kami bukas..
"Excuse me," sabi ko naman doon sa lalaking panigurado akong sya ung kausap ko kanina.
"Yes, Miss? Alam kong maganda ka pero may chicks na kami na nakuha– next time na lang," sabi nung lalaki at sinipat-sipat pa ko. Lokong to! Akala ata sakin ih type ko sya.
"No, sila ung pakay ko. Sorry sa istorbo nila," malakas na tugon ko para marinig niya.
“Really? You are the girl who called earlier? May I see?” usal nito na ikinataas ng kilay ko.
Kanina napagkamalan akong type ko sya, ngayon naman illegal recruiter...
Para naman hindi na humaba ang usapan, mabilis kong kinuha ang phone ko ay dinial ang number ni Danica, sabay pakita sa kanya.
“You're not a party goer, aren't you? You don't look like one,” usal ng lalaking nasa tapat ko.
"Yes, mister. I'm not," sagot ko sa kanya, sabay lakad papunta kila Danica. "Hey! Dani, Kim, Tala! wake up! Uwi na tayo may pasok pa tayo bukas... yuck! amoy kayo alak!" gising ko sa kanila at talagang nakakasuka ung amoy!
"Nics!!!!"
"Colay!!"
"Nicole gurl!! tinupad mo ung promise mo... you show up... ilabyu na!!"
Sabay-sabay nilang bati ng magising silang tatlo.
"Okay! ilabyu 3 pero pwede bang tumayo na kayo at nakakahiya kayo... please!" sabi ko sa kanila na napufrustrate na dahil ayaw nilang tumayo
"Could you please be faster? you and your friends are ruining our night here. tsk!" nabubwisit na sabi ng lalaki sa likod ko. Aish! for sure sya rin ung kanina.
"Opo! saglit lang ah! masyadong atat makagamit ng babae," sabi ko pero pabulong lang un..
"What did you say?" ay shet! narinig. yare! tumayo na kasi kayong tatlo!
"Whoa! Dude, relax!” saad ng lalaking kausap ko lang kanina. Humarap ito sa akin bago ngumiti. “Pagpasensyahan mo na, miss– medyo gusto makadami," sabi naman nung kausap ko kanina
"No, it's okay… istorbo naman talaga kami…” usal ko at muling hinarap yung tatlo. “Cassandra, Kimberly, Krystal! tumayo na kayo dyan– kung hindi tatawagan ko si Kuya Daniel at sa kanya ko kayo ipapasundo!" sigaw ko sa kanila at agad namang natauhan ung tatlo.
Kahit hirap, pinilit nilang tumayo at nagpaalalay... biglang yumakap sakin si Kim.
"Nics! He cheated on me... I gave everything to him.. tapos ipagpapalit nya ko sa pangit na un!" iyak nya sakin at naawa naman ako. nakatingin lang sakin yung dalawa pati na din yung lalaking kausap ko kanina.
"It's okay… Kalma ka na... umuwi na tayo… Sa bahay na muna kayo... may mga extra uniform naman ako, okay?" sabi ko sa kanilang tatlo
Tango lang ang naging sagot nila sakin. Ngayon na uuwi na kami paano ko sila ilalabas dito? Nakakainis talaga!
"You 2? kaya nyo maglakad? or stay here si kim mu-" naputol ang sasabihin ko ng sumigaw na ung lalaki kanina
"Ow f**k! Could you please be faster! nakakairita na kayo!" sabi nya. “nakagulo na nga kayo antagal nyo pa!" dagdag nya.
Aba naman teka lang ha!
"Mister? Ganun ka ba katigang at atat na atat ka? Saglit lang ho ha! mag-isa lang ako! tatlo to? nakikita mo o masyado kang occupied ng kamanyakan mo kaya hindi mo nakikita?" inis na sabi ko sa kanya at binalikan ng tingin ang dalawa. "Get up! Nakakaistorbo na tayo!" sabi ko sa kanila at tumayo naman sila.
"What the? Anong sabi mo?" galit pa din na sabi nya pero di ko yun pinansin dahil mas may kailangan akong gawin...
"Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo Manyak!" sigaw ko sa kanya
Kahit hirap na hirap maglakad ang dalawa. Nakalabas pa din kami. Ayon nga lang hindi ko alam kung nasaan ang kotse nitong si Danica. at ung susi....
Shete ung susi!
"Hey, miss. naiwan mo ung gamit nila," habol nung lalaking kausap ko kanina. "I'll help you to find the car," dagdag nya na halatang concern sya..
"Sige. salamat ha... nakakaistorbo talaga kami," sabi ko at sinundan sya.
"No! It's okay. Mainit lang talaga ang ulo ng kaibigan ko kasi... may problema,” usal nito sanay ngumiti. Marahan niyang pinindot yung susi ng kotse ni Danica bago luminga-linga. Sabay naman kaming napatingin nang makarinig kami ng alert tone sa isang kotse. “I think that's your friend's car," sabi pa nya at ayun nga!
Marahan ako nitong tinulungan na ipasok sila Danica sa kotse. Nang mapasok na namin yung tatlo, agad akong humarap sa kan’ya at mabilis na nagpasalamat. "Salamat po ulit
.. pasensya na talaga," sabi ko at yumuko pa.
"Hindi okay lang talaga. Mukhang may mga problem sila at buti kami ang nalapitan nila kanina. So, paano pasok na ko at ingat kayo. Bye!" pagpapaalam nya kaya naman nagwave na lang din ako pero bago pa sya makalayo may sinigaw sya na nakapagpainis sakin lalo!
"Ow! by the way! pinapasabi nung lalaki kaninang nakasagutan mo na you have a nice ass!" sigaw nya aba talaga namang!
"Manyak talaga!!!" inis ko na sigaw ko pabalik. tumawa lang sya at tuluyan ng mawala sa paningin ko... hay!
Pero kung tutuusin ay tama siya… mabuti na lang at sila ang nalapitan ng mga ‘to. Kahit papaano ay mabait naman yung lalaki na tumulong sakin– pwera na lang doon sa lalaking tigang.
Bago ako magdrive pauwi, tumawag muna ako kay mama at sinabing sa bahay ko muna iuuwi itong tatlo.
"Hay! grabe kayong tatlo! nakakahiya! muntikan pa kong mapaaway!" sabi ko sa kanila nang tignan silang tatlo sa likuran. at pinaandar na ang sasakyan.
--------------