Chapter 06

1935 Words
06 "ivette, wake up, sasama ka ba?" nagising ako sa ingay ni kiel, ang aga-aga pa san nanaman ba pupunta? "san?" I shouted back. "Bibisitahin namin ni lola ang plantation ng santol" "Kayo nalang" pagkasabi ko ay narinig ko na ang yabag ng paa niya papalayo. wala naman akong gagawin doon kundi tumunganga lang, madami akong balak gawin dito within one week. bumangon ako at nagtungo sa banyo. hindi na naman siguro amoy adobo na galing sa pwet yon. Malamang nagamit na iyon ni kiel. Isa lang kasi ang CR dito kaya no choice ako kahit mabaho pa iyon. good thing at hindi na sya amoy ADOBO, amoy zonrox na— Zonrox? Okay nevermind INOSENTE AKO. Kahit tabo lang ang gamit ay umabot ako ng isang oras sa paliligo. Hindi naman siguro nawawalan ng tubig dito? Masyado akong maraming nagamit e. Pagkalabas ay nabitawan ko ang hawak kong toothbrush, pano ba naman ay nandito si lola sa harap ng pinto at parang may sinisilip sa ilalim. "Lola? akala ko po umalis kayo?" pagtataka ko. "Nakalimutan ko laang iyong aking listahan ibet, bago nalaglag dine ang aking hikaw" Yumuko rin ko at tinulungan siya maghanap, napansin ko ang kuminang na bagay sa tabi ng ref kaya doon ako pumunta. Hindi naman ako nabigo at nandoon nga. "Pano mo ba makikita ito lola ay nandito lang nalaglag tapos dyan ka naghahanap sa tapat ng cr, muka po bang naglalakad 'tong hikaw nyo?" napakamot siya sa batok nang marinig ang sinabi ko. Kinuha nya muna ang hikaw sa kamay ko bago nagsalita "osya salamat,hindi ka ba talaga sasama? Maganda doon maraming santol at may pris eyr" "Pakidalhan nalang po ako kay kiel ng santol, tsaka lalabas naman po ako para mag ikot, may fresh air din dito. Sige na lola ingat po kayo" sabi ko na parang pinagtatabuyan sya. Nagsuot lang ako ng big-shirt at maiksing short, mainit kase kung mag ma-maong pants pa'ko, wala naman sigurong tambay na maitim ang budhi dito. "arf arf!" nagwala si chuchi nang makita nya ako papalabas sa pinto. Nandito sya nakatali sa likod ng bahay, katabi ng labahan ni lola. Basa ang aso at mukang naglangoy sa isang plangganang tubig na katabi. Binuhat ko muna siya at pinasok sa loob, ginamitan ko sya ng blower para agad matuyo. Ang sama naman kung ilalabas ko siyang basa diba? Kinabit ko ulit sa kanya ang bago niyang lace, si kiel ang bumili niyon para daw siguradong panlalaki ang gagamitin ni chuchi. Sayang, bagay pa naman kay chuhi ang pink. Halip na ako ang humila sa aso ay ako pa ang kinaladkad niya palabas, hindi ko na tuloy naitago ang ginamit naming towel at blower. "Iikutin lang natin ito chuchi, para excercise na rin. Tsaka na tayo lalayo pag kasama natin si kiel para iwas ligaw." Sumagot naman siya ng "arf" na para bang naintindihan ang sinabi ko. Tuloy tuloy lang ang paghahabulan namin ni chuchi, feeling ko tuloy nasa music video ako mwehe. Napapatigil lang kami kapag nagpapahinga at nakakakita ng magandang view. Ngayon ay tumigil kami dito sa tabi ng malaking puno ng mangga. Nilagay ko si chuchi sa harap ng ugat noon at sinabihan na huwag malikot. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan siya ang picture. Karamihan sa kuha ko ay blurr dahil malikot ang aso. Mukang kailangan ko pa mag-aral nang photography. "Tingnan mo 'to ang cute! ipopost ko ito sa IG ko!" Hinimas ko pa ang ulo ni chuchi, # proudprophotographer "Pag nakakuha to ng maraming likes, ibibili kita ng bagong collar, deal?" Tanong ko sa aso. "Baliw lang ang kumakausap sa hindi naman sumasagot" nakarinig ako ng baritonong boses sa likod ko. "Pake mo ba? hobby ko ang pag kausap dito kay chuchi" i answered. "Buddy" pag-tatama sya. Aakalain ko na sanang si kiel 'to pero iba ang boses. Hinarap ko siya, at nakita ang malaking katawan ni Jaylen. Topless siya at may hawak sa bote ng tubig. I can't help but to stare at his pandesal. 1 2 3 4 5 6 merong 6 na pandesal ang fafa nyo. "Bastos!" nakita siguro nyang tinitingnan ko ang katawan nya kaya kinuha niya ang towel na nakasampay sa kanyang balikat at itinakip sa katawan. "excuse me? hindi ako mayak no" inirapan ko siya. Gagong 'to kalamo naman papagnasaan ko sya. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ka kasama nila kiel?" he asked while brushing his hair with his finger. "nope, nilabas ko lang si chuchi" "Buddy" pagtatama nanaman nya. "Ano bang pake mo? Si kiel ka ba? Ha!" Pati pagtawag ko sa aso pinapakialman nya pa, hindi naman nya aso e. "You need to leave here, may mag bobomba ng mga puno ng mangga" seryoso nyang saad. "e ano naman, hindi naman ako ang bobombahan" muli ko syang inirapan. "Gusto mo bang mamatay ng maaga?" pati pagkamatay ko papaki alaman nya? padabog akong tumayo at kinuha si chuchi. "eto na ser, aalis na mamatay ka dyan mag-isa" "Wait! There's an immense cow over—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya at naglakad na ako papalayo. Nagpunta ako dito para mag relax hindi para magpa api. Binilisan ko ang paglalakad nang maramddaman na may nakasunod saakin, bwisit rin tong Jaylen na to e ang kulit ng lahi. Lumimot ako ng isang maliit na bato bago ibinato na sumusunod saakin. Napahalakhak pa'ko nang maramdamang tumama iyon. 3 points! "Bakit ka pa ba sumusunod? Crush mo'ko no? Sorry ka hard to get ako di tulad ng iba— what the fvck?" takbo ivette wag kang lilingon! bwisit kasi ivette akala mo talaga mahaba hair mo para sundan ka ng isang gwapong nilalang na may anim na pandesal. okay, in my dreams. ang mas makakabwisit pa don, may motor na humarang sa harap ko! Maliit lang ang daan at hindi na ako kakasya, pako kung maabutan ako ng pukinang baka nayon? edi sabay kaming tutumba netong motor? oh my dear help, ipa r**e nyo na'ko sa apat na malalaking katawan wag lang sa baka please! "sakay bilis" sabi nung driver ng motor. Hindi na ako nag tangkang kilalanin kung sino iyon. Hindi naman sya mukang kidnaper pero mukang takot din sya sa malaking nilalang na humahabol sakin or we better say samin! Mahigpit ang pagkaka-kapit ko sa baywang nya dahil sa pagod at takot. Bwisit hindi ako makahinga!. "Ano ba nakikiliti ako puta" parang naiirita pa nyang sabi Napahiya naman ako at nilubayan ang pagkakahawak sa kanya. "Sino ka ba? Bakit ka nandito? Humarang kapa sa daan ko bulag ka ba?" Sigaw ko para marinig niya, masyado kasing maingay yung motor "Hindi ba dapat nagpapasalamat ka dahil tinulungan kita? Tingin mo ba mas mabilis ka sa motor ko?" tanong din ang isinagot niya. oo nga naman, bobo mo ibet. Dito niya itinigil ang motor sa mga puno naman ng rambutan. mapapa "wow" kanalang talaga sa dami ng bunga. "kanino to?" I asked "sa inyo" seryoso nyang sagot bago tanggalin ang suot na helmet."pero uncle ko ang nagpapatakbo" pinagpangan niya ang isang malaking bato at doon naupo. Ibig sabihin isa sa mga workers nila kiel ang tito nya? "pwedeng kumuha?" tanong ko at nakaturo sa taas ng puno na sinisilungan namin ngayon. tango lamang ang isinagot niya. Agad naman akong nagtungo sa pinaka-mababang sanga at namitas doon. Napansin ko ang pagtitig saakin nung lalaki, hindi ko sigurado kung nakangiti ba siya dahil natatakpan naman iyon ng face mask. Hindi pa pala ako nagpapakilala. Lumapit ako sa kanya at inabutan ng isang rambutan. "What's your name? Hindi ka nagpapakilala" tinanggap naman niya iyon at binalatan. "Bakit? Crush mo'ko?" napangiwi naman ako. "Seriously? Ang corny mo" hiya naman ako sayo ibet. Tinanggal nya ang suot niyang mask para makain yung rambutan. Not bad, may itsura din sya pero lamang ng anim si Jaylen. Hubad ka rin please? kems. Tumayo siya at lumapit saakin " Theo" he offered his hand "Wade Theodore Silvero" "You" speechless? sya yun! yung nakita ko sa mall at sa harap ng bahay! Tinaasan nya lang ako ng kilay at ibinaba ang paningin sa kamay nya na naka-aro parin sa harap ko, inabot ko iyon at nakipag shake hands. "Nice meeting you—" "Hod did you know my name? manghuhula ka ba?" pinutol ko na ang sasabihin niya. Naalala ko yung unang pagkikita namin sa mall, binanggit nya ang pangalan ko. "maybe?" maikli nyang sagot "Oh? Marunong ka manghula? Turuan mo nga ako at huhulaan ko kung ilan ang abs mo" dere-deretso lang akong dumada. Doon nanlaki ang mata nya. "Joke" i added and do the peace sign, agad naman siyang ngumiti. "Tutal magaling ka naman manghula, pwede mo bang hulaan kung nasan yung aso ng pinsan ko? naiwan ko kanina e" bigla kong naalala si chuchi. bobo mo ibet pano pag nawala iyon? Yari ka kay kiel. "Hinahabol pa ng baka" bulong niya pero narinig ko. "What?" agad akong nag panic sa sinabi niya. Lagot ka talaga ibet. "joke lang, utu-uto ka bakit ka ba naniniwalang marunong ako manghula?" mahina siyang napahalakhak. oo nga naman. napasibangot na lamang ako at naupo rin sa bato. "Hanapin natin, lagot ako kay kiel" "Wag na, hayaan mo nalang yun malapa ng baka" binato ko siya ng rambutan. Magandang biro ba yon? Biglang nakaramdam ako ng nakakakiliti sa paa ko, "Chuchiiii" buti nalang at nakasunod siya dito, kung hindi baka ako ang lapain ni kiel. Paikot-ikot ako dito sa puno at winawagayway ang cellphone. Naghahanap ako ng signal para ma-post ko yung picture ni chuchi. "Dapat sumama ka sa lola mo, may signal doon" biglang nagsalita si Theo magtataka pa sana'ko kung pano nya nalaman na nandoon si lola, naalala ko worker nga pala ang tito nya. "Hindi ako pumunta dito para panoodin ang trabaho nila, at malay ko bang mapupunta ako dito, bwisit na baka iyon napaka hayop" sobrang naasar talaga ako don. Sino ba namang hindi. Try mo kayang magpa-habol sa malaking baka. "Baka muka kang d**o kaya ka hinabol?" natawa siya sa sariling biro. happy? "e ikaw? diba nasa city ka, bakit ka nakarating dito?" pag-iiba ko ng topic. "Binisita ko lang si uncle tapos wala sya sa bahay, nasa plantation daw ng santol kasama ng lola mo kaya pupunta sana ako doon. Naabutan naman kitang nananakbo at nagpapahabol sa baka" patuloy parin siya sa pag-tawa "hindi ako nagpahabol, naramdaman ko na nalang na may sumusunod sakin, akala ko si Jaylen kaya binato ko patalikod" sana malinaw na sa kanya yan. pero lalo syang natawa! "Binato? HAHAHAHA" hawak na nya ang tiyan katatawa. "Nakakatawa?" Inirapan ko siya, dahilan para tumigil na siya sa pang-aasar. Ang sama ng unang araw ko dito nakakabwisit! Nakakita ako ang pandesal,yes sobrang okay muntik ko pa ngang pagnasaan e. Pero yung habulin ako ng immense cow? Parang mas gusto kong amuyin yung tae ni lola kesa magpahabol sa hayop na yun. "Lets go, sumabay kana" nagtungo na siya sa motor at nilabas ang isa pang helmet doon. hindi sa nag a-assume pero sakin nya yon ibibigay diba? Tapos aangkas ako sa kanya, tapos dito na kami magsiskmula. Tapos maiinlove ako sa kanya, tapos papaasahin nya lang ako. Tapos ako namang si tanga aasa sa kanya. Ang ending broken ako at hindi na maniniwala na may foreve— "Nakatulala ka dyan? Alam kong gwapo ako sakay na!" Tinapik nya ang motor "Yabang mo!" i made a face bago umangkas sa motor. Kanina pa kami dito pero hindi parin umaandar ang motor "ano, dito nalang tayo?" I asked Nagulat ako nang abutin nya ang dalawa kong kamay at iniyakap sa sariling baywang "Hold on tight".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD