Beatriz Pinili niyang magkulong sa kwarto matapos ang tagpo nila ni jacob sa tabing dagat.Hindi patin siya tumitigil sa pag iyak.Natatakot siya sa isiping baka sa mga oras na ito may masama nang nangyari kay blake.Niyakap niya ang kanyang mga tuhod. Diyos ko, kayo na po ang bahala kay blake wag nyo po siyang pababayaan ,mahal ko po siya panginoon mahal na mahal."piping dasal niya. Nasa ganung ayos siya ng bumukas ang pinto at pumasok si jacob na may dalang tray ng pagkain.Inilapag niyo iyon sa ibabaw ng kama. "Kumain kana kagabi kapa hindi kumakain."turan nito. "Hindi ako nagugutom." "Wag mong gutumin ang sarili mo,kumain kana,mamaya ipapasyal kita dito sa buong isla,para masanay kanarin sa kapaligiran dito,at tiyak kung magugustuhan mo dito."Nakangiting sabi nito. Parang patalim an

