Blake Nang matapos sa pag g-gym pinasya niyang maligo muna bago puntahan si beatriz.Nang matapos sa paliligo isang puting tshirt ang isuot niya partner ang isa namang basketball short.Nang makapagbihis lumabas na siya ng kanyang kwarto. Nasa labas na siya ng kwarto ni beatriz pero hindi parin niya magawang kumatok. Bumuntong hininga muna siya bago kumatok sa pinto.Tatlong beses pero walang nagbubukas.Kaya naman pinihit niya ang doorknob hindi iyon naka lock kaya binuksan na lamang niya iyon. Pagpasok niya sa loob ng kwarto wala siyang beatriz na nadatnan sa kama nito.Tanging ang bag at cellphone lamang nito ang na anduon.Binuksan niya ang pinto ng banyo.Wala rin ito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla siyang binundol ng kaba.Mabilis siyang lumabas ng kwarto at pumanaog

