BLAKE'S POV Habang nakatutok sa walang malay na babae ang kanyang paningin hindi parin siya makapaniwala hanggang ngayon na ang babae sa bar at kapatid ni Benjie ay iisa.Mabuti nalang ng mahimatay ito kanina mabilis niyang nasalo alam niya mahirap at masakit ang pinagdadaanan nito ngayon.At kahit siya nagdadalamhati din sa pagkawala ni Benjie.Napakabait nito at tapat sa tungkulin ibinuwis nito ang buhay para iligtas siya.At ngayon naiwan nito ang nagiisang kapatid bumabalik sa isipan niya ang huling sinabi nito.Ang pakiusap nito na alagaan niya ang kapatid nito na walang iba kundi ang babaeng nakahiga sa kanyang sariling kama.Na sa kauna-unahang pAgkakataon nagpatuloy siya ng babae sa kanyang kwarto. Matapos nitong himatayin kanina sa morgue dinala niya ito sa kanyang mansion siya na ang

