Nag-aalangang tumayo si Julienne at marahan ang mga hakbang na sumunod sa ginang. Halos hindi siya humihinga nang buksan nito ang pinto at bumulaga sa kanila ang madilim na silid.
“Honey. . .” tawag ng ginang sa lalaki.
“Yes, Mom. I’m here,” he answered in the sexiest bedroom voice she ever heard.
Unang tinungo ng ginang ang sulok ng silid na iyon. Halatang sanay na ito sa ganoong tanawin doon.
“I’ll open the window just a little bit,” anito. Kahit hindi pa sumasagot ang lalaki ay binuksan iyon ng ginang.
Tumambad sa kaniya ang napakalaking silid. Very masculine ang interior niyon na magkahalong gray at black ang kulay. Bagay na bagay sa personalidad ng lalaki. May gasing laki ng bata na vase iyon sa isang sulok na may katabing pang-isahang upuan na yari sa ratan. May sariling banyo, closet, TV, sala set, ilang paintings, at ilang naka-frame na certificates na nakapatong sa isang shelf na nakakabit sa isang parte ng dingding. May mga libro din doon at CD’s.
Nang lumingon siya sa gawing kaliwa, roon niya nakita ang malaking kama na kinahihigaan ng lalaki. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Parang may magnet na hindi niya maalis-alis ang tingin sa mukha nitong ilang taon na ring hindi yata nagawang ngumiti. Napakaseryoso ng lalaki. Pero mas tama yatang tawagin na nakatatakot ito.
His bearded face made him looked like a dangerous, but handsome beast. Mahaba ang buhok nitong itim na itim at lagpas hanggang tenga. Ang mga mata nitong nanununot kung tumingin ay itim na itim rin na pinarisan ng mahahaba at makakapal na pilikmata. Matangos ang ilong nito at may maninipis na mga labing katamtaman lang ang sukat sa medyo parihabang hugis ng mukha nito. Mataas at malaking lalaki ito. Kaya nga hirap na hirap siya noong maibalik ito sa wheelchair nito.
He’s handsome and oozingly hot. Hindi naman iyon maitatago ng itsura nito, kaya alam niya kung bakit nahulog ang kapatid niyang si Cerella rito.
“Mom, that’s enough,” pigil nito sa ina nang akmang bubuksan nang tuluyan ang sliding na bintana.
Tumigil naman si Mrs. Fontanilla at hinarap ito. “Alright. . .” Lumingon ito sa kaniya. “Nagkakilala na kayo, hindi ba?” tanong nito.
Marahan siyang tumango.
“Well, mas ipaliliwanag ko pa sa iyo ngayon kung ano ang dapat mong gawin at kung anong gamot ang dapat inumin sa ganitong oras, pati na rin kung paano mo siya tutulungang maligo,” paliwanag nito.
Sunod-sunod na tumango si Julienne habang hindi mapalagay sa kinatatayuan. Damang-dama kasi niya ang mga titig ng lalaki sa kaniya na nanunuot sa kaibuturan niya. Nanginginig din ang mga tuhod niya sanhi niyon. At kung magtatagal siyang nakatayo, baka mamaya lang ay sa sahig na siya pulutin.
“Come here. . .” yaya sa kaniya ng ginang sa isang sulok kung saan naroon ang isang lamesa. Nakapatong doon ang gamot ng lalaki at noon niya lang napansin na may sarili itong refregirator. Siguro, para na rin sa mga gamot nitong kinakailangang nasa malamig na temperatura.
On the other hand, Brayden was carefully watching Julienne’s every move. Kahit yata ang paghinga nito ay nasaulo agad niya at halata niyang kinakabahan ang babae.
The woman had a big ugly scar on her left face. Halos nasakop ng peklat na iyon ang buong pisngi nito. Pero kahit na ganoon, napansin na agad niya ang ganda nito unang kita pa lang niya rito sa simbahan. She had a unique pair of almond-shaped grayish eyes with thick and curly eyelashes. Matangos ang ilong nito, hugis puso ang mukha. At kahit medyo na-deteriorate ang gilid ng labi nito, halata naman ang natural na pagkapula niyon at pagiging makipot. Mahaba ang alon-alon nitong buhok na halos umabot na sa beywang nito. Hindi ito katangkaran at may pagka-balingkinitan. At dahil parang galing ito sa sinaunang panahon kung manamit, hindi nakikita ang tunay na hugis ng katawan nito. Pero nasisiguro niyang kamatay-matay iyon.
Most people have a common face, but hers is rare. Hindi iyon dahil sa peklat nito, dahil alam niyang umpisa pa lang nang makita niya ito ay may kakaiba na sa babae, partikular sa mukha nito. The familiar feeling inside of him slowly arise. Kaya nga sigurado siya nang hilingin sa ina na maging personal assistant ang babae. May gusto kasi siyang malaman.
Patuloy niyang pinagmasdan ang bawat galaw nito. Palagi nitong hinihila ang balabal nito sa mukha upang maitakip iyon nang maayos sa pisngi nito. But he would rather see her whole face than having that awful hindrance on it.
“Ito ang banyo. You will just help him sit here on this chair and he’ll do the rest. Ayaw niya sa lahat ay itinuturing siyang walang paa. That’s why kahit nahihirapan siya, hindi siya humihingi ng tulong,” narinig niyang wika ng kaniyang ina sa babaeng kausap.
“Here are his things. Kapag maliligo siya i-ready mo lang itong lahat dito, kung saan niya maabot lahat ng ito. Then, sa labas ka na at maghintay na lang ng tawag niya. Ganoon din ang gagawin mo kapag kailangan niyang magbanyo. Everything in this bathroom is designed for him, kaya hindi naman mahirap talaga. Just make sure na hindi siya madudulas or whatsoever na p’wedeng makapinsala sa kaniya physically or internally. Iniiwasan kasi naming magkaroon ng another damage ang katawan niya,” mahabang paliwanag ng kaniyang ina.
Wala siyang narinig na tugon mula sa babae, pero pinagmamasdan pa rin niya ang blurred nitong pigura mula sa loob ng banyo.
His bathroom was designed to know what’s happening inside. Iyon ay para makasigurong kapag gagamit siya niyon ay makikita pa rin ang ginagawa niya sa loob kahit silhouette lang. Kaya ang dingding niyon ay yari sa salaming makapal na ang disenyo ay hindi malinaw o lagpasan ang makikitang pigura sa loob.
“After he took a shower, you will blow his hair just to prevent him from having fever or worse, lung problems. Dahil hindi niya maigagalaw ang ibabang parte ng katawan niya, limitado ang lahat ng kaniyang kilos at hindi ganoon kalakas ang immune system niya. He is prone to any type of sickness, lalo na kung ang sakit ay madaling makahawa. Kaya kahit ikaw ay dapat na nasa maayos na kalusugan. At kapag may nararamdaman ka, huwag kang mahihiyang magsabi kaagad para hindi ka na makalapit pa sa kaniya. Maliwanag ba iyon?”
“O-opo. . .” Kahit paanas lang iyon ay dinig na dinig pa rin ni Brayden ang tinig nito.
Lumabas ang dalawang babae mula sa banyo. Ngumiti ang ina niya sa kaniya. “We’re done. Do you want to eat something?” tanong nito.
Tumango siya. “Can you ask Manang Santa to cook kare-kare for me?” pakiusap niya sa ina.
Napataas ang mga kilay nito. “Okay,” maikling tugon nito at hindi na nagtanong pa, kahit alam niyang gustong-gustong gawin iyon ng ina.
Binalingan nito si Julienne. “Ikaw na muna ang bahala sa kaniya. If you have any question, just ask him. Hindi naman siya estatwa. Hindi nga lang siya sanay na ngumingiti,” pabirong wika nito na ikinalingon sa kaniya ng katabi nitong babae. Halata pa rin sa itsura nitong kinakabahan ito.
He rolled his eyes. “Mom, I could hear you.”
Itinakip ng ina ang kamay sa bibig. “Oh, my bad. Nakalimutan ko agad ang bagay na iyon,” patuloy na pagbibiro nito.
Napailing na lang siya at tumingin sa malayo.
“Alright. I’ll just go to the kitchen. If you need anything, don’t hesitate to ask me, okay?”
Sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niyang tumango si Julienne.
Pagkalabas ng kaniyang ina sa silid niya ay hindi pa rin kumikilos ang babae sa kinatatayuan nito. Mahigpit nitong hawak ang balabal habang nakatingin sa sahig.
“I want to go to the restroom,” aniya.
Hindi ito magkaintindihan kung lalapit ba ito sa kaniya o hindi. Sa huli, lumapit ito sa kaniya na ikinakunot ng kaniyang noo.
“What are you doing?” he asked.
“T-tutulungan po kayo,” pautal nitong sagot.
“Yes, I know. Pero hindi ba dapat na unahin mo munang ilagay dito ang wheelchair ko?”
Natiligan ito pagkuwa’y apologetic siyang tiningnan. “P-pasensya na po.” Mariin nitong nakagat ang pang-ibabang labi bago kinuha ang tinutukoy niya.
He moved his hand and grabbed the button of his bed. Automatic iyong bumaba at pumantay sa wheelchair niya.
“Do you know how to carry a patient?” tanong niya rito.
Umiling ang babae.
“Alright. I’ll teach you how,” aniya. “Help me to get up.”
Mabilis itong sumunod. Maingat siya nitong inalalayan paupo bago ibinaba ang mga paa niya sa sahig.
Pero bakit palagay niyang naging parusa ang ginawa nitong iyon sa kaniya. Ramdam na ramdam niya ang pag-r-react ng sariling katawan na hindi naman naapektuhan ng aksidente. Aktibo pa rin iyon kumbaga.
Huminga siya nang malalim at nag-concentrate, kahit pa iba ang dating ng natural na amoy ng babae sa kaniya. Mas lalo siyang nagigising.
Tumikhim siya nang malakas. “You see this wheelchair, right?” Tumango ito. “You will put this beside my bed and make sure it was lock para hindi siya gumalaw once you carry me. Make sure na wala rin ang mga sagabal na p’wedeng ikapatid natin pareho gaya nito.” Itinuro niya ang arm rest at leg rest.
Agad naman iyong inalis ng babae. Pero mukhang hindi nito alam kung paano.
Napailing siya. “Just pull this up.” Ang arm rest ang una niyang itinuro pagkuwa’y ang leg rest. “Then, here. . .”
Sumunod ang babae at nagtagumpay naman itong alisin iyon.
“Now, position yourself in front of me. Our legs should be locking to each other. Then, grab me under my armpit like you were hugging me. After that, gently help me stood up and transfer me to the wheelchair. Naintindihan mo lahat?” pagkaklaro niya sa mga sinabi.
Alanganin itong tumango.
“May problema ba?” Iyon na yata ang pinakamaraming salita na nagawa niya mula noong magising siya sa ospital. Sanay siyang may alam ang lahat ng taong nasa paligid niya sa kaniyang sitwasyon. But Julienne is different. Kaya kailangan niya ng mahabang pasensya. Hindi man niya gusto ang ginagawa, pero kailangan niya iyong gawin. Kailangan niya itong pagtyagaan.
“K-kailangan ho ba talagang yayakapin ko kayo?” tanong nito.
Huminga siya nang malalim. “Do you want me to suffer another injury?”
Mabilis itong umiling.
“Then, do what I say. And please, hurry. Dahil kanina pa sasabog ang kidney ko,” supladong wika niya para mawala ang mga agiw na tumatakbo sa isip niya kanina pa.
Walang nagawa ang babae kun’di ang sumunod sa kaniya. Alanganin nitong ipwenesto ang isang tuhod sa pagitan ng mga binti niya.
“You have to put all your strength on your lower body para makaya mo ako. Because once na hindi mo ginawa iyon, pareho tayong babagsak sa sahig.”
Tumango ito pagkatapos ay mahigpit na kinipit ang kaniyang isang binti ng mga binti nito, saka nito inilagay payakap ang mga kamay sa katawan niya. There was no space between their bodies. Naramdaman pa niya ang panginginig nito nang lumapat ang baba nito sa balikat niya.
Mariing nagdikit ang mga labi niya habang pinipigilan ang sarili. Mukhang mas lalo pa niyang pinahirapan ang sarili sa nangyayari iyon.
F*ck, Brayden! Focus!
Ipinilig niya ang uli. “Count,” aniya.
Huminga ito nang malalim. “I-isa, dalawa, tatlo!” padag-is nitong wika siya saka siya ubod lakas na inilipat sa kaniyang wheelchair. Nagtagumpay naman ito at nakita niya ang kakaibang kasiyahan sa mukha nito.
“You don’t have to celebrate for this. It’s too simple,” malamig niyang wika.
Umayos naman ito. “P-pasensya na po.” Tahimik nitong ibinalik ang mga inalis kanina bago siya dinala sa banyo. Pagdating doon ay ganoon din ang ginawa nito sa ginawa kanina para mailipat siya sa malapad na toilet bowl.
Pagtalikod nito ay agad niya itong hinawakan sa kamay. Napalingon ito sa kaniya.
“M-may kailangan pa ho ba kayo?”
“You’re not done. Take off my pants.”
“Ho?!” mulagat nitong sambit. Napapikit pa siya sa lakas ng tinig nito.