LIRA POV
Naiinis na ako sa boyfriend ko! Kanina ko pa siya tinatawagan at china chat subalit ayaw niya pa rin mag response. Nakaka urat na, almost 40 minutes na akong maghihintay dito sa loob ng restaurant pero wala pa rin siya.
Ito ang unang beses na late siyang darating. Pero iniisip ko, dumating na kasi stepdad niya galing sa ibang bansa kaya siguro na sermonan siya ng malala at inilihim niya ang tungkol dito sa akin at naghahanap pa siya ng tamang tyempo upang sumibat. Sana kasi ay nagpaalam na lang siya rito.
What is the point na hindi siya magpapaalam to date me if nabuking na rin ang aming relasyon? Baka kapag nag sinungaling pa siya ay dito pa siya mas madali eh. Tapos ako pa ang madadamay at baka rin sabihin ng dad niya na kinukunsinti ko siya kahit na wala akong ginagawa.
Hindi pa ako makapag order ng pagkain for us. Sayang, may pera pa ako kahit papaano na naipon para maka order na kami. Subalit wala pa si Reji dito. Nakaka inis na talaga siya, nagtatampo na tuloy ako. He should explain himself to me kapag dumating siya mamaya at wag niya akong tatawanan once na nagtanong ako kasi mas lalo akong mapipikon nito sa kanya!
I still try to contact him right now at sa wakas ay sumagot na siya sa akin.
"Oh ano na Reji!? Nasaan ka na ba ha? Bakit ba ang tagal mo? Don't tell me on the way ka pa rin?"
"Hahaha! Wag ka na magalit babe, nandito na ako sa harapan mo. Sorry kung na late ako, traffic kasi kanina eh!"
Nakaharap na ako pero wala pa ang boyfriend ko pero naaamoy ko na ang kanyang pabango. Lumingon pa nga ako hanggang sa may maramdaman ako na yumakap sa aking likuran.
Gosh! Nagtitinginan na ang ibang mga tao sa amin at ako heto, kahit na ilang beses ko nang nararamdaman ang mahigpit na yakap ng boyfriend ko ay labis pa rin akong kinikilig. Ang sarap sa feeling na maramdaman ang hug ng gwapo kong future husband. Gumaan nga kaagad ang pakiramdam ko.
Naramdaman ko pa ang mainit niyang hininga sa tenga ko.
"Wag ka nang magalit sa akin. Palampasin mo na sana itong ginawa ko kasi traffic talaga kanina. Ito naman ang first time kong ma lat sa date natin hehe!"
Kiniss niya pa nga ako sa aking pisngi at taka siya umupo sa harapan ko. Naka simpleng t-shirt siya at ang gwapo niya talaga tingnan. Para siyang fictional character sa totoong buhay at hanggang sa mga sandaling ito ay pala isipan pa rin sa akin kung bakit sa dinami rami ng mga babae sa mundo ay ako ang kanyang napili.
Kaya nga ang dami rin ng mga babaeng naiinggit kasi ang lalaking pinapangarap nila ay napunta sa akin. Pero sa totoo lang, nakaka praning din na magkaroon ng pogi na boyfriend like Reji. Yung tipong hindi ako mapakali kapag may ibang mga nakatingin sa kanya or may iba siyang tinitingnan.
So far at wala lang cheating na nangyayari at sana nga ay wala na talaga kasi hindi ko ito kakayanin kapag niloko niya ako. I want him to be my first and last boyfriend. The only guy I wanted to be with for the rest of my life. Ayaw ko ng papalit palit ng boyfriend. Tanggapin ko ang pagiging mahina ng boyfriend ko sa academics. Wala namang perfect na tao sa mundo at lahat ng tao ay mag imperfections.
Ako nga eh, aminado ako na matalino pero hindi rin kagandahang babae. Sa aming tatlo ngang mag friends, si Jessy ang pinaka maganda sa lahat kaya nga nakakapag taka why until now ay wala pa rin siyang nagiging syota.
Sa dami ng mga lalaki na nagkakandarapa sa kanya, may hitsura pa nga ang iba. Dapat ay lumandi na rin siya kasi tapos na rin kami sa pag aaral namin. I am so sure na papayagan siya ng parents niya. Straight girl naman siya kaya impossible na wala siyang magustuhan.
Tinitigan ko ang boyfriend ko na abala at tutok na tutok sa kanyang phone and it seems like mayroon siyang ka chat and this makes me pissed off again.
"Ano ba babe? Di ba nandito ka na sa harapan ng girlfriend mo ha? So bakit need mo pang mag chat sa ibang tao? Hindi ba sila makapag hintay na mag reply ka later?"
Tumingin siya sa akin, ngumiti at nilapag ang kanyang cellphone sa lamesa. Nakasimangot pa rin ako sa kanya.
"Parang wala ka yata sa mood babe? Wag kang mag alala, si Dad kasi ang nag chat sa akin kaya wala kang dapat ipagalala. Never akong nakikipag landian sa ibang babae kahit na tingnan mo pa ang chat history ko."
Sapat na yung sinabi niya para maniwala ako sa sinasabi niya.
"Kamusta nga pala kayo ng dad mo? Nagalit ba siya sayo? Nag paalam ka ba sa kanya na pupunta ka dito?"
"Oo alam niyang nandito ako at tsaka di ba nag usap na tayo tungkol dito kahapon? Gusto ka niya para sa akin. Botong boto siya para sayo kaya nga napanatag na ang loob ko eh!"
Kinikilig ako sa sinabi niya. And I am so happy na okay na kami ng stepdad niya. Ang cool niya rin sigurong kasama.
"Good! Sana next time ay mapakilala na rin kita sa parents ko para wala na tayong problema pa. We are now adults kaya wala na tayong dapat lang itago."
"Sa totoo lang babe, natatakot ako sa Dad mo eh. Baka kasi kapag ipinakilala mo ako sa kanya ay habulin niya ako ng itak."
"What? Bakit niya gagawin ang bagay na yun ha? Mabait ang parents ko at kasama mo na ang dad mo kapag ipinakilala kita sa kanila. I would really like na maging legal na tayo sa parehas nating mga parents. Ilang taon tayong naging tago sa relasyon natin kaya panahon na to legalize our relationship!"
"Tara kain na tayo babe, gusto ko nang kumain. Ano ba ang orderin natin ha?"