Graciella Point of View: Isang linggo ang nakakalipas, sinundo ako ni Ceres para sa gagawin kong plastic Surgery, at ngayon ay nakaupo ako sa harap ng isang doctor. "Ano ang gusto mong gawin natin sa mukha mo?" tanong niya sa akin. "Baguhin mo lang ng kaunti ang mukha ko, Doc. Iyon bang pang-artista ang datingan," sagot ko. Pinagmasdan niya ang aking mukha. "Sa tingin ko, pwede ka nang mag-artista kahit na hindi mo na ipabago ang mukha mo, Miss. Ang gagawin lang natin ay tanggalin ang mga peklat mo sa mukha," suhesyon niya. "Hindi maaari, Doc, kailangan na may mabago sa mukha ko!" sabi ko sa kanya. Kung tatanggalin lang ang aking peklat sa mukha, sigurado na makikilala ako ni Jordan. "Kung iyan ang gusto mo, ako na ang bahala sa iyo, Miss. Siaiguraduhin ko na magiging isa k

