Prologue

411 Words
PROLOGUE I won’t fall in love again! Never! Umiiyak kong sinulat iyon sa diary ko at nagtalukbong ng kumot. How could he do this to me? Kahit ayaw sa kanya ni Daddy ay ipinaglaban ko ang nararamdaman ko para sa kanya pero paano niya akong nagawang lokohin? At bakit ngayon pa? Ngayong kailangang-kailangan ko siya. Huminto ako sa paghikbi nang maramdaman na may pumasok ng kwarto ko. “Arie?” malambing ang boses na pagkakatawag sa akin ni Ate. Wala sana akong balak na tingnan siya pero alam kong siya lang ang taong mapaglalabasan ko ng sama ng loob. Inalis ko ang kumot at umiiyak na bumangon ako at niyakap siya. “Ate, can I go with you?” “S-silly. You still have class. Besides, sino na lang maiiwan kay Daddy?” Umiling-iling ako at umalis sa pagkakayakap sa kanya. “S-si Manang?” Tumawa si Ate pero wala akong sayang makikita sa mga mata niya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng konsensya. I’m crying because my ex-boyfriend broke my heart. But what about my sister? Kinakailangan niyang umalis ngayon at iwan ang masayang buhay niya rito sa Pilipinas para magpagamot sa ibang bansa dahil sa sakit na meron siyang minana niya sa ina namin. “I-I’m sorry, Ate.” Kumunot ang noo niya at hinaplos ang pisngi ko. “For what, baby?” Humikbi ako. “You’re sick, you’re badly sick and yet ako ‘tong grabe umiyak just because my boyfriend cheated on me?” Niyakap niya ako at hinaplos-haplos ang buhok ko. “Arie, never invalidate your feelings over someone else. Your feelings are important, too. Kung hindi man naging matagumpay ang relasyong meron ka ngayon, I’m sure in the future you’ll find someone who’s going to be faithful to you for the rest of your lives.” “I doubt na may ganoong tao, Ate.” “Nandiyan kaya si Daddy, until Mommy’s death he remains faithful to her.” Natahimik ako sa sinabi niya at unti-unti ay gumaan na ang loob ko. Bagama’t nasa isip ko pa ring hindi na ako magmamahal muli. Ayoko nang masaktan pa. “Ate?” “Hmmmm?” “What about your boyfriend? Anong s-sabi niya sa pag-alis mo?” Hindi siya sumagot at ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat niya. “Arie, I love him so much but I don’t want him to lose everything for the sake of me. I have to leave him…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD