CHAPTER FOURTY-EIGHT: ••• ••• PAGKATAPOS ng lahat ng nangyari, hindi na ako makapag-focus. Kahit pilitin kong huwag pansinin ang nararamdaman ko, hindi ko matanggal sa isip ang ekspresyon ni Aphrodite. I switched back to the CCTV feed. Sa screen, nakita kong naglalakad na siya sa kalye. Wala siyang payong, habang binabagsakan siya ng ulan. Ang mga patak ng tubig ay tila hindi lang sa balikat niya bumabagsak, kundi pati na rin sa bigat na dala niya. Basa na ang mahaba niyang buhok, dumikit sa likod ng damit niya. Ang puting tela ng blouse niya ay nagiging manipis na, pero hindi siya tumitigil sa paglakad. Tuloy lang siya, parang wala nang pakialam kahit sobrang lakas ng ulan. "Aphrodite…" bulong ko habang tahimik na pinapanood siya. Sa bawat hakbang niya, parang nararamdaman ko ang

