CHAPTER TWENTY-EIGHT: ••• ••• PAG-ALIS ni Kuya Zeus, naiwan akong nakatulala sa gilid ng HQ. Pakiramdam ko, napakabigat ng hangin sa paligid. Ang daming iniwan na tanong ni Kuya Zeus sa isip ko. Pero tama siya—hindi ko na pwedeng takasan ang usapan tungkol kay Hades. Pero hindi ngayon. Huminga ako nang malalim at tumayo nang diretso. Kailangan kong mag-focus. Sa dami ng nangyayari, kailangan ko munang ayusin ang sarili ko. “Today,” bulong ko sa sarili ko, “I won’t monitor Aphrodite and Artemis. Bahala muna sila sa araw na ito.” Pumasok ako sa HQ at dumiretso sa kwarto ko. Nakita ko ang laptop ko na nakapatong sa lamesa, naghihintay sa akin. Ilang araw ko nang hindi natutukan ang skills ko sa pagha-hack. Ngayon ang tamang panahon para bumalik ako sa training. Pagkaupo ko, binuksan

