BETRAYED "Let's go!" hatak-hatak ni Jacob ang kamay ko paalis sa lobby. Wala akong mukhang maiharap sa kahit na sinong nasa paligid ko. Walang ibang tumakbo sa isip ko kundi ang mga tanong sa kung sino ang gumawa nito. Bakit? Paano niya nalaman?! Iyak ako nang iyak, naririnig ko ang mga bulungan ng mga tao sa paligid ko. Nakayuko man ako, alam kong lahat sila ay nakatingin sa akin. Naramdaman ko na lamang ang mahigpit na kapit ng kamay ni Jacob sa akin. "Baby..." malumanay na tawag niya sa akin nang huminto kami sa gilid ng sasakyan niya. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko para maingat. "Everything will be fine..." may kung anong pait ang pagkakasabi niya no'n. Tumango ako at tinitigang maiigi ang kanyang mata. Nang bigkasin niya iyon ay parang naibsan kahit papaano ang sakit a

