KABANATA 5

739 Words
HINDI ANG KATULAD NIYA Maaga akong pumasok sa school. May mga kailangan pa akong tapusing project para sa comm subject ko. Pagkahinto ng sasakyan sa entance ng school ay halos liparin ko ang distansya mula roon papunta sa meeting place namin. Mababait naman ang mga ka-grupo ko. Pero, ayaw ko lang talaga na nala-late ako o hinihintay. Ayoko sa lahay ay yung nagiging pabigat ako sa mga tao sa paligid ko, kaya kung mangyare man 'yon sa grupo ko ay kusa naman akong aalis. Sa bilis nang pagtakbo ko ay mabilis din akong nakapunta sa bench malapit sa field. Natanaw ko ang iba kong kagrupo. Laking pasasalamat ko dahil hindi ako late. "Summer, 'di mo naman kailangan tumakbo. Ang aga pa naman din." Paliwanag ni Janna. Nag thumbs up lang ako, hindi ko pa kayang magsalita sa sobrang hingal. Inabutan akong tubig ni Luis. Agad ko naman iyon tinaggap at ininom. Si Janna ang unang nag approach sa akin at nagsali sa grupo. Sino ba naman ako para tumanggi sa pagmamagandang loob niya. "Ba't hindi pa tayo nagsisimula?" Tanong ko, hinihingal pa rin. Naupo ako sa tabi ni Luis. "Nakalimutan yatang sabihin ni Janna sayo. May isa pa tayong member.." Inis na sinabi ni Abby. Sino naman kaya? Bakit ang init naman yata ng ulo ni Abby ngayon? "G-Guys... k-kayo ba ang groupmates k-ko?" Hingal na hingal 'yong lalake habang nagtatanong sa amin. Tinignan ko si Abby na halos matanggal na ang mata kakairap sa lalakeng nasa likod ko. Nilingon ko iyon at bahagyang nagulat. Hindi ba iyon si... "I'm Jacob Fuentes.." Pakilala niya. Nagkatinginan kaming dalawa at unti unting sumilay ang mga ngiti sa kanyang labi. "Duh, we know you. Famous for being a f*****g playboy. Tsk!" Ani Abby. "Cursing is strictly prohibited in this group, Abby" sita ni Luis.  Umirap na naman si Abby. "Okay, okay! Tama na yan. Our agenda for today is to finish our group research project hindi ang magaway. Okay? Let's start the meeting!" Ani markus matapos pumalakpak at pumagitna kay Abby at Jacob. Antagal ko na ring nakakasama sila Janna, Markus, Luis at Abby. Masaya ako sa sila ang mga naging kaibigan ko. Yung iba kasi, lumalapit lang sa akin dahil apo ako ni Lola Amanda na isa sa pinaka mayaman dito sa buong Las Huelva. Nakakasawa.  Yung iba naman ay lumalapit para isali sa grupo nila. Mga b*tch groups. Labas na ako sa mga ganong bagay. Sawa na ako. Gusto ko na lang mag bagong buhay. Nagaya si Janna na sabay sabay kaming mag lunch pagkatapos ng meeting namin. Tumayo na kami at inayos ang mga gamit para dumiretso sa canteen. "Sila ba mga kaibigan mo? Sasama ako sa'yo." Bulong ni Jacob sa akin. Ngumiti lang ako at hinayaan siyang sumunod sa amin. Halatang nagpipigil si Abby ng kanyang inis kay Jacob. Ano bang nagawa ni Jacob sakanya para ma-highblood siya ng ganito? I'm curious. "Ingat ka jan ha? Playboy yan." Ani Luis habang unti unting lumalayo sa akin. Nakasunod pa rin si Jacob sa likod ko. Pag dating sa Canteen, may nahanap agad kaming pwesto. Maaga-aga pa naman din. Si Markus sana ang tatabi sa akin pero naunahan siya ni Jacob. Parang bata na nagdabog si markus habang lumilipat sa tabi ni Luis. "Sana maging okay ang kakalabasan nung reserch naten 'no?" Buntong hininga ni Janna. "Oo naman! Dami kaya natin tsaka easy lang 'yun kapag magtutulungan 'diba?" Pinapalakas ko ang loob ni Janna.  Napangiti siya sa sinabi ko. "Alam ko na ayaw niyo akong kagrupo... I mean, ayaw niyo sa akin at all. Pero dahil kaibigan kayo ni Summer, sana maging kaibigan ko rin kayo." Abot tenga ang ngiti ni Jacob Bat kailangan niyang gamitin ang pangalan ko? Kung gusto niyang maging kaibigan sila Janna edi gawin niya. Nakakatawa naman pala 'to. "Really? Magpapa-impress ka sa kaibigan namin ta's paglalaruan mo lang naman?" Ani Abby, halatang nagpipigil pa rin ng galit kay jacob. May mga dumating na members ng basketball varsity sa canteen at nagsimula nang umingay gawa ng mga boses nila at tinig ng mga babaeng kinikilig sa pagdating nila. Kinawayan ni Jacob ang mga iyon at tumayo sakanyang kinauupuan. "Summer.. aalis na ako ha? See you later." Sabay kindat ni Jacob sa akin. Tumango ako at tinignan siya habang papunta sa kanyang mga kaibigan. Nakatingin sa akin yung ibang members ngvarsity na ngayon ay hinahatak ni Jacob palabas ng canteen. "Wag kang papayag sa masama sa listahan niya ng mga pinaiyak ha?" Paalala ni Abby. "Oo naman 'no. Hindi ang tulad niya ang makakapag paiyak sa akin" Sabi ko Mas malala pa yung mga lalaki sa Manila. Hindi ang katulad ni Jacob ang magpapatiklop sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD