Chapter 5: Luna

1380 Words
My body was in pain especially the one that was 'down there.' Para akong nakipag-boxing. I've been to some flings when I was in college but this is the first time I engaged in a real s*x. My rule was just make out dahil takot na akong mabuntis na naman. Hindi ko alam kung sinong demonyo ang sumanib sa akin kagabi at nagawa kong makipagsirkus sa kama. Sa lalaking pasmadong bibig pa na iyon. Well, it turned out good anyway. Kahit na ganoon siya magsalita ay tunay na na-enjoy ko ang company ni Junnie. Problemado akong napakamot ng ulo habang tinitingnan ang malawak na garden ng bahay nina Ate Sinag at Kuya Drei. I checked my watch and it was already ten pm. Siguro naman ay wala na si Ate Sinag sa loob. May isang banda sa aking kalooban na baka nariyan din siya, ewan ko ba. Hindi ako sigurado dahil tuwing Sabado ay naka-work from home siya minsan. Bahala na nga. I stepped down and took a deep breath before closing the car door. Muli akong napangiwi nang maramdaman ang kirot sa pagitan ng aking mga hita. I still feel his d**k's soul inside of me. "Oh, kangkang pa more!" Gulat akong napatingin sa pinagmulan ng tinig. Si Ate Sinag iyon. Her eyes squinted at me ngunit may halo iyong aliw. "Sarap, Bhe?" Her gaze goes down in between my thighs. "Ihi lang pahinga?" God. This was so embarrassing. Napailing lang ako at nilagpasan siya. But knowing Sinag Mahika, she was so nosy. Sinundan pa ako hanggang sa kwarto. "Wala kang panty, asawa ka ni Marie?!" Humalakhak si Ate Sinag. "Souvenir daw," nakangisi kong sambit na lalo niyang kinatawa. Pabiro niya akong sinabunutan pero masakit 'yon, ah. Hindi naman kaila na alam ng kapatid ko ang lahat ng kalokohan ko noon sa States. Mula nang mangyari sa akin ang madilim na yugto ng buhay ko ay nangako ako na lahat ay sasabihin ko sa kanya. Ganoon din siya sa akin na laging makikinig. I am so grateful for her because she let me live the life I missed when I gave birth at an early age to Luna. Nevertheless, I enjoyed my wild days so much. Hindi naging hindrance ang pagkakaroon ko ng anak ng maaga dahil ang ate ko mismo ang nag-alaga sa anak ko, maranasan ko lang lahat nang iyon. "Gwapo?" She started asking. "Daks ba? Damn, you have so many kiss marks. Wild no?" Aliw na aliw siya sa pagbubuska. Pagpasok ko sa may bathtub area ay may warm water na agad, almost full. I glanced back at my sister and asked, "Suhol ba 'to, 'Te?" naloloka kong tanong. Prente siyang nakaupo sa may gilid ng tub, nakangisi sa akin. She wiggled her perfect brows playfully as an answer. "Fine." I sighed, making a step to the tub. "And yes, gwapo at daks." "Tangna, baby sis. Salamat naman at lumandi ka nang tunay!" "Ate!" Saway ko sa kanya, nahihiya na. I palmed my face and shook my head. "Stop it. I won't tell you about what happened." "Sus. Sa akin ka pa nahiya eh ilang beses na kitang may nahuling kahalikan sa university." "I was young then!" "Gaga, nakabuo ka na ng anak no'n. May pa-young-young ka pa riyan. Sige na kwento na." Kahit nawiwirduhan ako sa kapatid ko ay nagkwento ako. Minus the s*x part of course. Bago rin sa akin na interesado siya sa lalaking naka-one night stand ko kagabi-hanggang madaling araw. Hindi ko mapigilan ang mangiti habang nagku-kwento. I told my sister how jolly Junnie was. Kaya lang noong sinabi kong hindi kami nagpalitan ng numbers ay parang gusto niya akong lunurin. "Tanga ka talaga. t**i na naging bato pa!" diskyumpiyado niyang ani. I rolled my eyes and closed my eyes. Why was she so disappointed. "Bakit 'di mo hiningi? Malay mo, siya na ang makakasagot ng problema mo. Mukha naman kamo siyang okay." I looked at her disbelievingly. "Seryoso ka ba r'yan, Ate? It was just a one night stand. Grabe 'yung disappointment mo ha. Saka he's on his happy-go and f**k-y time. Hindi siya pwedeng maging tatay ng anak ko. "Tss. Ang judgemental mo, girl. Kakainin mo rin 'yang sinabi mo." Duh. As if we'll each other again. I spent the remaining hours of my day sleeping. Nagising na lang ako nang sunod-sunod na katok ni Ate Sinag. Mabilis akong napabalikwas. "Tala, wake up! Uuwi tayo ng Naic!" My heart beats like crazy when I heard the place. Syempre naroon ang anak ko at si Mommy kaya dinaga na rin ang dibdib ko. Kinuha ko lang iyong cellphone ko at bag, I just get my shawl and wrapped it around my shoulder. "Bakit? Anong nangyari?!" tanong ko sa kapatid habang bumababa ng hagdan. "Luna is on the hospital." "What?!" Hindi ko alam kung ilang beses kong sinabi kay Kuya Romeo na pakibilisan ang pagmamaneho. I was so worried. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may mangyaring masama sa anak ko. Sabi ni Mommy ay bigla na lang daw hinimatay ang bata kaya dinala sa ospital. The laboratories weren't done yet kaya wala pang diagnosis. "Relax, Tala. Everything will be fine," ani Ate na nasa tabi ko. Para akong lumipad mula kotse hanggang doon sa may emergency room. Agad kong hinanap ang kwarto. Kabisado ko naman ang ospital dahil minsan nang na-admit si Mommy rito kaya alam ko kung saan ang room number ni Luna. Pagpasok ko ng silid ay agad kong nakita ang anak ko. Pumalahaw siya ng iyak nang makita ako kaya lalong nadurog ang puso ko. "Mommy, I can't walk," umiiyak niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Agad kong nilingon si Mommy. "Mommy, anong sinasabi ni Luna?" "Kaninang umaga nag-umpisa na siyang magsuka. Naalarma ako nang hindi na siya makatayo at makalad dahil sa sobrang lambot. Sabi ng pedia niya ay maaring viral infection." Hinipo ko ang anak ko. Mainit nga siya. Nasa States pa lang kami ay sakit na niya ito tuwing flu season, magsusuka pagkatapos ay lalagnatin. Kahit paano ay lumuwag ang dibdib ko sa narinig. Ngunit hindi sapat iyong para kumalma ang kalooban ko. Dama ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Ito ang unang beses na na-ospital ang anak ko nang wala ako sa tabi niya. My hands began trembling, I was having a panic attack. I excused myself to get some fresh air upang kumalma. Sabi ko ay bibili lang ako ng pagkain na gusto ni Luna dahil ayaw ko silang mag-alala. Ito iyong iniiwasan ko, iyong pagbabalik ng mga ala-alang kinalimutan ko na. I could handle it, sure, pero hindi pa rin maiwasan ang mga triggers lalo na kung tungkol sa anak ko. "Ayoko sa'yo! Hindi kita kilala! Ayoko! Ayoko! Wala akong anak!" puno ng hinagpis na bulyaw ko sa sanggol. Ang iyak niyang wala lang sa akin ay tila ba nauunawaan ang galit kong litanya sa kanya. Hindi ko naman siya talaga kilala. I don't remember anything. Paano akong nagkaanak? I am only freaking seventeen! "Tala, calm down. Look at her, she's so beautiful. She's your daughter." "No! Hindi. Ate, ayoko!" Hindi nagtagumpay si Ate Sinag na mapalapit sa sinasabi niyang anak ko. I was always angry at the child. Kahit kaming dalawang magkapatid ay lagi ring nag-aaway. Wala na nga si Mommy, Daddy, at Ate Bituin tapos iyong sanggol na lang na 'yon ang lagi niyang kinakampihan. Dapat ako dahil ako ang kapatid niya. I was slowly walking towards my sister's room kung saan naroon si Luna. Seeing a glimpse of her easily made my blood boil. Pinakiramdaman ko si Ate, she was snoring. Mukha siyang puyat na puyat. Lalo akong nakaramdam ng inis sa tulog na sanggol. Paanong hindi mapupuyat ang kapatid ko eh napakaiyakin niya tueing gabi. Nilapitan ko si Luna, dala ang unan ay hindi ako nagdalawang isip na itabon iyon sa kanyang mukha. My thoughts were interrupted by a slice of pain in my chest. Hindi ako makahinga. I was crying hard while standing in the hospital's hallway. "No. Stop it, no!" I screamed, frightened. "Tala?" A familiar voice called my name. Imbis na pagkagulat ay lalo akong nakaramdam ng sakit. Taas-baba ang dibdib ko. Para akong batang nakakita ng taong pagsusumbungan. "Junnie," my last words before darkness consumed my sanity.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD