Feast
The preparation for the feast is already finished. Lahat ay nakaabang na sa pagdating ni ama at ng isang napaka-importanteng bisita.
With my usual white kimono and a white veil that can help me hide my face, I was only listening to what's been happening outside. Habang nag-iisa sa aking silid at naghihintay sa hudyat ay hindi ko maiwasan isipin ang nangyari kanina.
That man easily dominated me, like he just easily swayed my senses by his mere touch and words. I'm worried because he's the first outsider who saw my face.
Pero ang kanyang ginawa bago siya nagpaalam ay nag-iwan ng bakas sa aking pagkatao. How could I let him do this to me? Paano ko hinayaan ang sarili na maging mahina sa harapan niya? Parang pinatotoo ko na rin na ang mga babae ay walang laban sa mga lalaking katulad niya.
Napakapit ako ng mahigpit sa suot na puting kimono. Dahil sa kapangahasang ginawa ng estrangherong 'yun ay hindi ko na malaman kung ano ba ang nararapat na maramdaman.
Nagagalit ako sa sarili ko dahil kahit sa sitwasyon ngayon ay nakuha pang mag-init ang parehong pisngi at maramdaman ang parang paro-paro sa aking tiyan.
Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang tatlong katok. "Binibini, maari na kayong lumabas. Paparito na ang Kamahalan." Sabi ng mayordoma, ang pinakapinuno sa mga taga-sunod.
"Lalabas na ako ngayon din," tugon ko saka huminga ng malalim at pinihit pabukas ang pinto.
Paglabas ko'y maaliwalas at malinis ang pasilyo. I roamed my gaze around. May mga simpleng disenyo at makikita na pinaghandaan talaga iyon ng lahat.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa hangganan ng pasilyo upang doon maghintay kila ama at sa Kamahalan. Hindi rin naman nagtagal ay naririnig na namin ang mga yapak ng kabayo. Maya-maya rin ay narinig ko ang pagbibigay pugay at respeto sa Kamahalan.
Bumukas ang malaking pintuan. Sabay-sabay at awtomiko kaming yumuko nang ang isa sa mga taga-sunod ay nagsabi.
"His Majesty is here!"
Mula sa aking pagkakayuko ay naririnig ko ang mga yabag ng Kamahalan, nararamdaman ko ang nakakapanghinang awra nito. His power screams that he's the leader of all. His Majesty's presence overwhelmed our senses. That even me, a Chief-General's daughter was already afraid to lift my head because of his ternarious presence.
"Lift your heads."
His Majesty's voice was calm but with so much authority. Mapapasunod niyon ang sinuman. Behind the veil that I am wearing, couldn't hinder the fact that he is a nobleman. Nasisigurado kong hindi nalalayo ang edad ni Kamahalan at ni ama.
They both emit an enormous presence If my father as a warrior can wobble his enemies by his sword and fight, then his Majesty makes everyone weakened by his status and personality. Sumunod naman na pumasok si ama at nagbigay galang.
My father introduces me. "Your Majesty, I want to introduce my only daughter, Allaya Verona." He said with a formal tone.
Muli akong yumuko at nagbigay galang. "Maligayang pagdating sa aming tahanan, Kamahalan."
Napatango-tango naman ang Kamahalan. Nangingiti naman itong ako'y pinagmasdan. "I don't know that you have this beautiful daughter, Chief- General? I don't think I see her anywhere outside of the Kingdom."
Yumuko si ama at nagsabi, "pardon my audacity, your Majesty. I just want to protect my daughter, I don't want to get her experience that again."
Nahimigan ko ang naghahalong takot at determinasyon sa boses ni ama. Habang ako naman ay hindi nalalaman ang dapat na gagawin.
"By hiding her appearance?" sunod muling utas ng Kamahalan.
Marahan na iniyukod ni ama ang kanyang ulo. He denied to answer. At mukhang naintindihan naman iyon ng Kamahalan kaya't hindi na ito nag-usisa pa.
"Kung gayon ay ipagpatuloy na lang natin ang okasyon sa gabing ito. Hindi ko pa pormal na naiibigay sa'yo ang aking suporta at pagpugay mula sa pagwawagi ng ating kaharian."
"Masusunod, Kamahalan." Ani ama.
His Majesty is the first person who walked inside the household. Followed by my father, the head helper, and his Majesty's right-hand man. I was the last person who walked inside. Ang tanging naiwan sa labas ay ang karwahe at ang mga sundalo na nagbabantay.
A loud laugh of his Majesty surrounds the whole dining. Nakahinga naman ng maluwag ang lahat ng magustuhan naman ng Kamahalan ang lahat na nilutong putahe.
Sa mahabang lamesa, nasa unang upuan ang kamahalan. Nakatayo naman sa hindi gaanong kalayo na distansya ang kanan kamay niya. Habang kami naman ni ama ay magkatabi sa kanang bahagi ng Kamahalan.
Matapos lagyan ni Isabela ng mamahaling alak—na hindi pa nabubuksan at galing pa sa malayong lugar—ang baso ng Kamahalan, at matikman iyon ng bisita, mas nasiyahan at muling umugong tawa nito.
"Napakasarap na kalidad ng alak ang mayroon kayo, Heneral. Natutuwa akong ako mismo ang kauna-unahang makatikhim ng ganitong klaseng alak."
My father was glad. Kahit hindi niya ipinapakita sa mukha ay alam kong nasisiyahan siya.
"It's my pleasure, your Majesty. I'm glad that you like the liquor."
"May I know where you get this?"
"It's from the town of Noren. Talagang maganda ang kalidad nila pagdating sa alak. Masagana ang kanilang agrikultura."
Napatango-tango naman ang Kamahalan. Mayroon pa silang mga pinag-usapan ni ama. Mga bagay na sila lang ang nakaka-intindihan. Maingat akong kumain pero tila umuurong rin ang sikmura ko dahil sa taong kaylaki ng presensya.
Sa loob-loob ko'y nagagalak ako sa napagtagumpayan ni ama. Mula sa pagiging matapat na taga-sunod at magiting na mandirigma ay kinilala siya ng mismong Kamahalan. Kita ko sa kung paano yumukod at nagbigay galang si ama, hawak-hawak ang patibay ng pagbigay sa kanya ng pagpupugay dahil sa mga nagawa niya para sa Kaharian.
Lumipas ang oras, at dumating na kailangan nang umalis ang Kamahalan. Nakalinya kaming lahat at yumukod upang magpaalam at magpasalamat sa pagbisita ng Kamahalan.
"Hanggang sa muli, Aro." Kapwa kami natigilan ni ama ng tawagin siya ng Kamahalan sa pangalan niya.
"Kamahalan..." Tila hindi niyon inaasahan ni ama.
Marahan na tumawa ang Kamahalan. "Asahan kong makikita ko pa ang susunod pa nating pagwawagi. At isa pa, gusto kong malaman mo na nagustuhan ko ang piging." Iyon na ay saka na sumakay ang Kamahalan sa kanyang karwahe.
Hanggang sa nakalayo na ito't hindi na namin narinig pa. Mukhang hindi pa makapaniwala si ama sa sinabi ng Kamahalan.
"Ayos lang po ba kayo, ama?" agad na tanong ko.
Napakurap pa siya, at ibinalik ang kaninang ekspresyon niya bago bumaling sa akin.
My father gently smiled at me as his answer to my question. With a light look on his face, he patted my head before heading inside.
Nangungumilahanan kong sinunod ko ng tingin ang pagpasok sa loob ni ama. Saka ko parang may napagtanto.
Na, hindi lang ang pagpupugay para kay ama ang dahilan ng nangyaring piging, ito'y isa ring pagpapatunay ng katapatan para sa Kamahalan.
The true reason behind the feast is loyalty and faithfulness.
For my father, and to this household. It was his Majesty's judgment.