NOVEL'S POINT OF VIEW "Hanggang kailan mo ako tititigan, Miss?" Doon lamang ako natauhan nang marinig siyang magsalita. Pati ba naman sa boses niya naaakit ako? Susko, Novel! Anong katangahan ito?! Mabilis akong lumayo at 'di makatingin sa lalaking nakabungguan ko. "Pasensya na, s-sorry po," saad ko nang nauutal at mabilis na kumaripas ng takbo palayo. Pagkalabas ko ay 'di ko na rin nagawa pang lumingon dahil kinakabahan ako baka nakatingin siya sa akin at pinagtatawanan na ako. Nakakahiya talaga! Sobrang nakakahiya itong pinaggagawa ko! Ano bang nangyari sa akin at bigla na lamang ako natulala sa kaniya? Hindi naman ako ganito noon kahit aminin kong sobrang gwapo ng ilang nakasalamuha kong tao. Pinakiramdaman ko ang t***k ng aking puso. Nilapat ko ang isang palat sa bandang dibdib.

