Investigating… DJ’s POV Ilang days na ba naming hinahanap si JLE? Mag-iisang lingo na pero likas na napakagaling nyang magtago at hindi namin malaman kung sino ba siya kahit kaunting clue. Pero ngayon….Alam kong malalaman na rin namin sa wakas. Papunta kami ngayon ni Coco sa kanyang pinsan na nag-trace sa voice message ni JLE. Ang sabi niya hindi nya daw matrace kung sino yun pero baka daw kapag narinig namin yung original ng voice message baka malaman namin kung sino. “Pare, masama ang pakiramdam ko, tingin ko kase kapag hindi pa natin nahanap ang JLE na iyon baka mapapahamak kayo. Kung ako sainyo sabihin nyo na sa mga parents nyo, siguradong matutulungan kayo ng mga iyon.” Biglang sabi ni Coco, na nananahimik lang kanina. “Yun na nga ang sinabi ko kay Kath, kaso ayaw nya. Ayaw daw

