KATH POV
It’s been two days… Since nakilala ko yung mga lukaring na iyon. :> Naging friends kami, pareparehas ang level ng trip namin except fo Coco and DJ. Yeah, right. Tama kayo ng pagkabasa. Kasa-kasama na namin si DJ pero hindi pa rin kami close, pero pilit pa rin nya akong kinakausap. Ayshht. Nung isang araw binigyan ako ng 2 bouquets’ of roses yung isa white tapos yung isang red. Ayssh. Muntik na nga akong bumigay e, parang nanliligaw na kasi siya at kinaiinisan ko yun. >__ Kung makasingit, wagas! XD
“Adik talaga yung dalawang yun.” Nasabi ko sa sarili ko.
“Oo nga e.” Bigla naman akong mapatalon ng marinig ko si DJ. Ay! Puchhaaa! Ngayon ko lang narealized na naiwan pala kaming dalawa. Ayyyssh!
“A-A-ah… Hehe. Una na ko.” Sabi ko habang nakayuko.
Pero bago pa ako makatayo sa kinauupuan ko, hinawakan niya ang kamay ko.
“Kath naman e… Sorry na. Hindi ko talaga sinasadya… Ngayon lang sinabi ni—“
“Ang kulit mo rin noh? Paulit ulit na lang. Wag mo muna akong kausapin. Okay?” Pakunwaring iritado ako sakanya.
“Kath… Mag-usap tayo. Give me a minute, no make it 5 minutes.” Nagmamakaawang sabi ni DJ.
“Just give me a week para makapag-isip kung kakausapin pa kita.” Cold na sabi ko. Oh diba? May pa-cold cold pa ako? First time! Well… Drama Queen na ba ako? Hehe
“Kath naman e. Tagal nun. Naniniwala ka naman saken diba? Ginawa ko lang naman yung—ganon, dahil sayo e.”
“Anong ‘yung ganon’?” Tanong ko.
“Yung,… pakikipag-PDA. Promise ko di ko nauulitin yun. At saka hanggang doon lang naman e, walang nangyayari. Wala akong nagalaw. At saka gusto ko sa babaeng mahal na mahal ko gagawin yun. Sayo lang. Pede ba?” Sira toh! Muntik nakong maniwala eh. Humirit pa. Asssuuss. Nabatukan ko tuloy.
“Aray naman Kath. Maniwala ka kase saken na…” Tumayo siya at saka lumapit sa vacant seat na sa tabi ko lang habang hinahawakan pa rin yung kamay ko.
“Nagseselos lang ako dahil dun kay Enrique.” Pagpapatuloy nito. Pakunwari naman akong hindi kinikilig. Baka maya-maya lang sasabog na ko.
“Suss.. Sabihin mo na lang kasi na mahal moko..”Pabulong na sabi ko.
“Anu yon?”
“Wala…” Inis na sabi ko. Ambingi naman o. Wot! Ayt! >___
Ang hirap talaga ng nagmamahal… Kahit ano gagawin mo para mapatunayan mo ang feelings mo…