DJ’s POV “Bro, ano tong sinasabi ni Moosh na ako muna daw ang proxy mo sa a-attend-an mong wedding?” Kinausap ko si Kuya TJ about dun sa natanggap niyang invitation last week. “Yung kina Mr. Yu ba ‘yan? Kung gusto mo lang naman mag-proxy kasi hindi talaga ako makakaalis dito. Takas lang nga itong paggamit ko ng phone, alam mo namang nasa seminar ako diba?” Haaay, free time ko sana today eh, balak ko lang magpahinga maghapon. “Wala naman, pero importante ba talaga ang presence mo dun? Baka regular visitor ka lang.” “Best man ako dun, Bro. Remember, Darryle Yu? Yung SCO President ng Wonderstruck University before? Siya ang groom. Ibaba ko na tong call bro. Punta ka at pakisabi na rin na nasa seminar pa rin ako. Ingat, bro.” Pagkasabi niyang iyon nag-end na ang call. “Well? Oh ano? Pupu

