AV ➭ 016 KALABOG ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † “Just be my official girlfriend, Love. Be officially mine. So, I have all the right to get jealous.” Napanganga ako sa sinabi ni Feitan. Nagtitīgan kaming dalawa ng ilang sandali bago ako sumagot, “pag-iisipan ko. Kumain ka muna ng maayos at madami baka sakaling hindi ako tamarin pag-isipan ang tungkol sa bagay na ‘yan.” In an instant, biglang naging magana kumain si Feitan. Lihim na lang akong napangiti. “‘Di ba may conference meeting ka pa bukas sa Cebu?” Tanong ko matapos ko kumain, hinihintay ko na lang matapos si Feitan. “Yes, Love.” Sagot niya matapos lunukin ang nginuya niya. “So, babalik ka pa bukas dun?” “Nope, Love. May pinadala na ko doon na kapalit ko. Hindi ko na kayang tiisin na hindi ka makita, pakiramdam ko sa b

