AV ➭ 013 ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † “Hanggang ngayon hindi mo pa rin nadadala ang lahat ng ito sa stock room. Kanina ko pa ito inutos, hanggang ngayon meron pa rin.” Narinig kong naiinis na sabi ni Ciara-ang supervisor ng utility department. Nakapamewang at taas kilay pa ito sa isang nerd na babae at mukhang kawawa ang itsura. Pirmi lang itong nakayuko. May malaking salamin din itong suot at balingkinitan ang katawan. “P-pasensya na po, ma'am.” Sagot ng babae. Mukhang bago lang siya dahil ngayon ko lang siya napansin. “Anong problema?” Lumapit ako sa kanila. “Good morning, Ms. Levana. Inutusan ko lang siya dalhin lahat ng kahon na ito sa stock room. Kanina ko pa ito inutos hanggang ngayon hindi pa rin nagagawa. Napaka kupad kumilos.” Reklamo ni Ciara. Nakasimangot ang mukha

