AV ➭ 011 ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † Kinaumagahan pagdating ko sa opisina, may isang bouquet of red and white roses sa table ko. “Beautiful flowers for a beautiful angel like you. Good morning, my love. -your suitor, ZFH.” Basa ko sa nakasulat sa isang maliit na papel na nakalagay sa bulaklak. May kasama din itong isang box ng cookies. May kilig akong naramdaman pero pilit ko din itong winaksi kaagad. “I’m here for my mission. Hindi pwede, not now, Levana.” Paalala ko sa aking sarili. Tao na talaga ako, nakakaramdam na ko ng kilig ‘yun nga lang sa maling tao at maling pagkakataon pa talaga. “I hope you like it.” Nagulat na lang ako ng biglang lumitaw na lang sa harap ko ang nakangiting mukha ni Feitan at sobrang lapit pa nito sa mukha ko. Nag-init ang pisngi ko ng mapatingin ako

